Maghanda laban sa sunog ngayong Fire Prevention Month

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,054 total reads

Pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection-Chaplain Services ang publiko na maging handa at magkaroon nang sapat na kaalaman upang maiwasan ang sunog ngayong Marso o Fire Prevention Month.

Ayon kay Fire Senior Inspector Fr. Raymond Tapia,ng BFP Chaplaincy, mahalagang alam ng publiko ang mga dapat gawin upang maiwasan ang mga sakuna tulad ng sunog.

Kabilang na ayon sa pari ang pagpapaalala sa paggamit sa mga dekuryenteng kagamitan.

“Una, iwas-iwas tayo sa mga Octopus connection kasi it can cause many fire. Pangalawa, huwag nang mag-jumper sa iba’t ibang mga kable ng kuryente because it can cause fire also. Pangatlo, kapag hindi naman kailangan o kaya naman hindi ginagamit ‘yung isang appliance, pakitanggal ng saksak,” paalala ni Fr. Tapia mula sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ni Fr. Tapia, dapat ding tiyaking nakasarado ang mga kalan, at ilayo sa mga bata ang mga gamit na maaaring pagmulan ng apoy tulad ng posporo at kandila.

Paalala naman ng pari na kapag nagkaroon ng sunog, agad na lumikas sa lugar at ipaalam sa mga awtoridad ang sitwasyon.

Sakali namang makulong sa nasusunog na gusali, takpan ang sarili ng basang tuwalya habang papalabas ng lugar.

“Kapag may sunog, huwag mataranta. Alamin ang dapat gawin at higit sa lahat be aware of what is happening around you. Maiiwasan ang sunog kung marunong tayong maging mapagmatyag, sensitibo, at may alam tungkol sa pag-iwas sa sunog,” dagdag ni Fr. Tapia.

Sa pag-aaral ng BFP, ang tatlong pangunahing sanhi ng sunog sa bansa ay ang faulty electrical connections, nakasinding upos ng sigarilyo, at apoy mula sa mga napabayaang kalan.

Naitala rin ng ahensya na sa unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon ay tumaas ng 2,103 o 13-porsyento ang bilang ng insidente ng sunog sa bansa, kumpara noong 2021 na nakapagtala lamang ng kabuuang 1,863.

Tema ngayong taon ng Fire Prevention Month ang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 10,858 total reads

 10,858 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 92,193 total reads

 92,193 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 186,418 total reads

 186,418 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 246,908 total reads

 246,908 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 260,286 total reads

 260,286 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,141 total reads

 70,141 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top