Pakikiisa sa panginoon, apela ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 1,288 total views

Panatilihing buhay ang pananamapalataya sa Panginoon bilang nagkakaisang simbahan.

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa unveiling at pagbabasbas ng bagong retablo ng Archdiocesan Shrine of Our lady of the Miraculous Medal sa Saint Vincent De Paul Parish.

Ayon sa Kardinal, nawa sa tulong ng higit na pagpapatibay ng bawat isa sa kanilang pananampalataya ay higit na mapaigting ang pakikiisa sa Panginoon.

“Maging daan tayo ng pagkakaisa, magkaisa tayo sa pamamagitan ng eukaristiya, magkaisa tayo sa pamamagitan ng mga sakramento, magkaisa tayo sa pamamagitan ng pagkalinga natin sa bawat isa, walang kristiyano na mag-isa lang sa buhay, wala dapat kristiyanong nag-iisip ko nakakaramdam na mag-isa lang siya sa buhay.” ayon sa mensahe ni Cardinal Advincula.

Hinihakayat naman ni Father Joel Rescober, Rector at Parish Priest ng simbahan ang bawat mananampalataya na palalimin ang pagdedebosyon sa Mahal na Ina ng Miraculous Medal.

Ayon sa Pari, ito ay isang malaking karangalan ang pangasiwaan ang simbahan itinayo noong 1872 kung saan kaniyang inanyayahan din ang mga nagdedebosyon sa Our Lady of Miraculous Medal na bumisita at magalay ng panalangin sa simbahan.

“Una-una salamat po sa lahat ng mga tumulong samen para maayos pong itong aming alter actually ito ay post-war altar pa yung pinalitan natin so more than decades talaga so ngayon, hopefully maraming tao lalo na’t devotees ng miraculous medal ay magpunta dito sa dambana niya para mas lalo makatanggap ng grasya mula sa ating Panginoon.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Rescober.

Nagalak din si Father Rescober na sa tulong mga donors at naging bahagi sa renovation ng simbahan ay naging posible na maging ‘Earthquake Proof’ ang ang Archdiocesan Shrine of Our lady of the Miraculous Medal – Saint Vincent De Paul Parish.

Pagbabahagi ng Pari, sa tulong ng mga Basic Ecclesial Community ay palalalimin ang pananampalataya ng nasasakupang mamamayan sa pamamagaitan ng pagdadala ng Mahal na Birheng Maria sa mga komunidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 8,483 total views

 8,483 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,127 total views

 23,127 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 37,429 total views

 37,429 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,208 total views

 54,208 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 100,791 total views

 100,791 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

YSLEP, kinilala ng MOP

 2,101 total views

 2,101 total views Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang Caritas Manila Youth Servant Leader and Education Program o YSLEP TELETHON 2025. Ayon kay M-O-P

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top