Pamahalaan, hinamong bigyang prayoridad ang kapakanan ng single parents

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,922 total views

Nanawagan sa pamahalaan ang Amihan Peasants Women’s Group na panagunahan ang mga inisyatibong mapabuti ang kalagayan ng single parents.

Ito ang hamon ni Cathy Estavillo – Secretary General ng grupo sa pamahalaan bilang paggunita ngayong araw ng International Widow’s Day na kumikilala sa sakripisyo ng mga balo upang makapamuhay ng may dignidad ang pamilya.

“Napakabigat mawalan ng mahal sa buhay ngunit hindi lang pagdadalamhati ang kinakaharap ng isang balo kundi araw-araw na diskriminasyon at kagipitan sa iba’t ibang anyo, lalo na ang mga nanay, kulang sa suporta ang mga single parents, na madalas napipilitang dumiskarte para pakainin ang kanilang mga anak sa panahon ng matinding pagtaas ng presyo ng mga bilihin.” mensahe ni Estavillo sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Estavillo ang kakulangan ng mga batas na tinutulungan magkaroon ng sapat na kita o suporta ang mga balo, kasabay ng nararanasang diskriminasyon sa mga kababaihan sa lugar ng paggawa.

Panawagan ni Amihan ang paglikha ng mga batas na magbibigay ng benepisyo sa mga balo at pagtataas sa sahod ng mga manggagawa.

“Habang pinapagdiriwang natin ang International Widows’ Day, manawagan tayo para sa proteksyon ng mga karapatan at sapat na pinansyal na suporta para mga balo at single parent, kailangan din nating makiisa, mag-ingay, at manawagan ng hustisya para sa kaso ng mga naging balo dahil sa extrajudicial killings, red-tagging, at kahirapan.” ayon pa sa mensahe ni Estavillo.

Sa datos ng 2020 Census of Population and Housing (CPH) aabot 3.88 million ang bilang ng mga balo kung saan 2.95 million ay kababaihan.

Una ng kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Episcopal Office on Women ang patuloy na pakikiisa ng mga kababaihan sa ekonomiya kasabay ng paalala na ang bawat isa, babae man o lalaki ay nilikha ng Diyos na pantay-pantay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 14,474 total views

 14,474 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 42,825 total views

 42,825 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 110,555 total views

 110,555 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 133,706 total views

 133,706 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 202,890 total views

 202,890 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 7,351 total views

 7,351 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top