Caritas Philippines, bibisitahin ang Mayon evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,757 total views

Magtutungo ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Albay upang bisitahin ang kalagayan ng mga apektadong residente dulot ng banta ng pagsabog ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ito’y upang matukoy ang pangangailangan ng mga nagsilikas na pamilyang tinutulungan ng Social Action Center ng Diocese of Legazpi.

“Sa ngayon, ang Caritas Philippines ay nakafocus muna mostly sa relief and rehabilitation para sa mga evacuees.” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Tiniyak naman ni Caritas Philippines executive director Fr. Antonio Labiao, Jr. na nakahanda ang humanitarian team sakaling kailanganin na ng SAC Legazpi ang karagdagang tulong para sa mga apektadong pamilya.

Sinabi ni Fr. Labiao na batay sa kanilang naging pag-uusap ni SAC Legazpi executive director Fr. Eric Martillano, kaya pa ng diyosesis na tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nagsilikas.

“Sabi nga nila, kaya pa nila. So, kami naman ay dahan dahang tumutulong. Whatever they ask us, we are always prepared. So, we are also helping to capacitate our local Caritas in Legazpi to respond to the emergencies,” pahayag ni Fr. Labiao.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Bagaforo ang patuloy na paggabay ng Panginoon para sa tiyak na kaligtasan ng mga biktima mula sa pinangangambahang pagsabog ng Bulkang Mayon.

Dalangin ng Obispo na sa kabila ng mga pagsubok, nawa’y madama ng mga apektadong residente ang presensya ng Panginoon upang maging matatag at hindi mawalan ng pag-asa.

“Panginoong Hesus na tagapagligtas at makapangyarihang tagapamagitan sa ating makapangyarihang Ama, ipinagdarasal po namin ang aming mga kababayang nasa evacuation centers. Nawa’y yakapin Mo sila ng pagmamahal. Bigyan Mo sila ng magandang kalusugan ngayong sila ay nasa evacuation centers, at higit sa lahat, buksan Mo ang kanilang mga puso na huwag silang mawalan nang pag-asa sa mga sakunang katulad nito na dumarating sa kanilang mga buhay. Sana ito’y isang pagkakataon na sila’y mapalapit pa sa Iyong pagmamahal, at sana ang mga pagkakataong ito, Panginoong Hesus ay maipamalas Mo ang tunay na pagmamahal Mo sa aming lahat. Ang lahat ng ito ay aming hinihingi sa inspirasyon ng Espiritu Santo, nabubuhay Kayo magpakailanman. Amen.” panalangin ni Bishop Bagaforo.

Sa huling ulat ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, nasa 19,971 indibidwal o 5,713 pamilya ang bilang ng mga inilikas mula sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone at nanunuluyan sa 25 evacuation centers sa Albay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 22,206 total views

 22,206 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 57,996 total views

 57,996 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 99,888 total views

 99,888 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 153,296 total views

 153,296 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 178,667 total views

 178,667 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top