Maging daluyan ng pagpapala at kagalingan ng kapwa, paalala ng simbahan sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,779 total reads

Hinikayat nina Radyo Veritas President at Team Ministry Member ng National Shrine of the Sacred Heart Makati, Fr. Roy Bellen at Father Hans Magdurulang ng Family of St. Charbel Philippines Spiritual Director at Our Lady of the Assumption Parish-Malate Parish Priest ang mga mananampalataya na maging daluyan ng pagpapala, kagalingan, at pag-asa ng Diyos sa kapwa, tulad ng ipinamalas ni Saint Charbel Makhlouf.

Ito ang mensahe ng mga Pari sa ika-apat na Misa Nobenaryo bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan ni Saint Sharbel Makhlouf.

Inihayag ni Fr.Bellen na nananatiling buhay hanggang ngayon ang impluwensya ng kabanalan ng santo sa pamamagitan ng mga biyaya, kagalingan, at mga himalang iniuugnay sa kanyang pamamagitan kasunod ng patuloy na nagpapadala ang Diyos ng mga taong magiging instrumento ng Kanyang pagmamahal at habag.

“May mga taong ipinapadala, para ang kagalingan at pagpapala ay makarating sa mga sumasampalataya, sa mga nananalig. Gaya ni St. Charbel, siya ay isinugo. And even until now, ilang years na, ilang dekada na, ilang centuries na, even now, ang epekto ng kanyang kabanalan, ang kanyang presensya ay nararamdaman pa rin. At sa pamamagitan niya, ang blessing, ang healing, ang miracles ay atin pa ring nararanasan hanggang ngayon. So, palagi po, God will send people to be a blessing to you. O kaya, you can be the blessing that God sent to other people. Kaya tayo pong lahat ay blessings to one another,
” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.

Itinuring naman ni Fr.Magdurulang na pasasalamat sa Diyos ang Misa Nobenaryo bilang paghahanda sa kapistahan ni Saint Charbel Makhlouf, na kinikilala sa kanyang matatag na pananampalataya at mga himalang iniuugnay sa kanyang pamamagitan.

Ayon kay Fr. Magdurulang, kinikilala ng Simbahan ang malalim na pananampalataya ni Saint Sharbel na naging daan sa libu-libong himalang iniulat at kinilala sa pamamagitan ng kanyang pamamagitan na dahilan upang patuloy na lumalim ang debosyon ng maraming mananampalataya sa Santo.

“Ito pong isinasagawa nating novena Masses at paghahanda sa Fiesta Mass ni St. Charbel Makhlouf ay pasasalamat po ng ating bansa, ng ating Simbahan, sa bagong biyaya ng Diyos sa atin sa katauhan ng banal na si St. Charbel Makhlouf, na kinikilala sa lakas ng kanyang pananampalataya na nagdulot ng libu-libong himala. May 33,000 miracles, sabi ng report, that were approved by the Catholic Church through the intercession of St. Charbel. So, tayo dito sa Pilipinas ay tunay na nagdiriwang, nagpapasalamat po. Kaya meron tayong mga Misa ng pasasalamat sa kanyang karangalan,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Magdurulang.

Hinihikayat naman ng Simbahan ang mga mananampalataya na makiisa sa mga gawaing espiritwal bilang paghahanda sa kapistahan ni Saint Charbel Makhlouf at tularan ang kanyang buhay ng panalangin, kabanalan, at ganap na pagtitiwala sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 44,399 total reads

 44,399 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 149,116 total reads

 149,116 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 235,227 total reads

 235,227 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 305,360 total reads

 305,360 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 337,177 total reads

 337,177 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top