Hindi maituturing na “church of the poor” ang simbahan kung lumalayo ito sa mga dukha-Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,738 total reads

Binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang tunay na bunga ng kanyang dalawang dekadang paglilingkod bilang obispo ay hindi nasusukat sa mga nagawang programa o proyektong pansimbahan, kundi sa patuloy na paglabas ng Simbahan upang samahan ang mga dukha at ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Sa kanyang Thanksgiving Mass sa San Roque Cathedral para sa ika-20 anibersaryo ng kanyang episcopal ordination, isinagawa rin ang soft launch ng aklat na ‘Where the Shore Ends.’

Inilalarawan ng kardinal ang aklat bilang salamin ng misyong isinabuhay ng Diocese of Kalookan sa pamamagitan ng 20 mission stations na naglilingkod sa mga komunidad na malayo sa aktibong buhay ng Simbahan.

Ipinaliwanag ni Cardinal David na ang pamagat ng aklat ay hango sa motto ng diyosesis na “Duc in Altum” o “Pumalaot ka,” isang paanyaya na lumabas sa mga komportableng hangganan ng ministeryo upang higit na maabot ang mga taong nasa laylayan at nalalayo sa kalinga ng simbahan.

“Masakit na ngang aminin na marami sa mga dukha ay nasa gilid-gilid at nasa laylayan ng lipunan. Mas masakit tanggapin na nasa laylayan din sila ng Simbahan,” ayon kay Cardinal David.

Binigyang-diin ng kardinal na hindi sapat na tawagin ang Simbahan bilang “Church of the Poor” kung hindi ito aktibong lumalapit sa mga dukha.

“Kung hindi lumalapit ang dukha sa Simbahan, dapat ang Simbahan ang lumapit sa kanila,” giit pa ni Cardinal David.

Ayon sa kardinal, ito ang naging inspirasyon sa pagtatatag ng mga mission stations ng diyosesis bilang tugon sa panawagan ni Pope Francis noong bumisita ito sa Pilipinas noong 2015 na “Go out to the peripheries.”

Iginiit ni Cardinal David na ang pagmimisyon ay hindi lamang pananagutan ng iilang misyonero kundi misyon ng buong Simbahan.

“Mission is the business of the whole Church. In fact, we cannot even claim to be the Church if we are not engaged in mission,” diin ng kardinal.

Sa pagninilay sa kanyang dalawampung taon bilang obispo, ibinahagi ni Cardinal David na ang pinakamahalagang aral na kanyang natutuhan ay ang pagpapakumbabang kilalanin na ang Diyos ang tunay na gumagawa sa misyon ng Simbahan.

“Sa loob ng dalawampung taon ng aking pagiging obispo, ito siguro ang isa sa pinakamahalagang natutuhan ko: kahit nakikibahagi tayo sa tungkulin ng paghahasik at pag-aani sa binubunga ng Kaharian ng Diyos, hindi tayo ang may gawa nito. Ang Diyos mismo,” ani ng kardinal.

Paliwanag ng pastol ng Kalookan na ang aklat na ‘Where the Shore Ends’ ay hindi lamang tala ng mga karanasan sa misyon kundi pagpapatotoo na ang Simbahan ay tinatawagan na patuloy na “pumalaot” at maghasik ng Mabuting Balita sa mga pamayanang hindi naaabot ng karaniwang gawaing pastoral.

Inordinahang obispo si Cardinal David noong July 10, 2006, matapos itong italagang katuwang na obispo ng Archdiocese of San Fernando sa Pampanga.

Sa mismong araw ng pagdiriwang ng kanyang ikalawang dekadang pagiging obispo ay dumalaw ang kardinal, kasama si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown at Marawi Bishop Edwin Dela Pena, sa mga guho ng St. Mary’s Cathedral sa Marawi City, ang tinaguriang ground zero ng Marawi Siege noong 2017.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,943 total reads

 42,943 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,696 total reads

 147,696 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,806 total reads

 233,806 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,940 total reads

 303,940 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,834 total reads

 335,834 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top