331 total views
April 27,2020-10:29am
Nagsimula nang magbukas ang mga parokya sa Borongan City para sa pagsasagawa ng pampublikong misa.
Ayon sa pahayag ni Borongan Bishop Crispin Varquez ito ay base sa Executive Order ni Borongan City Mayor Dayan Agda na nagbibigay ng pahintulot sa mga religious activities tulad ng communal mass sa nasasakupan ng lungsod.
Sinabi ng Obispo na mahalagang mapanatili ang kalakasan ng bawat mananampalataya lalu na sa panahon ng krisis na dulot ng pandemic novel coronavirus.
Ayon kay Bishop Varquez, mahalaga ang spiritual nourishment sa mga mananampalataya upang manatili ang kanilang kalakasan at pananampalataya lalu na sa presensya ng Panginoon.
“Is it the new normal, the people now are living in fear and anxieties. So it is a way of telling people that God is with us. It is a necessity to keep them physically, mentally and spiritually strong during this time of pandemic,” ayon kay Bishop Varquez.
Tiniyak naman ng Obispo na mahigpit na ipatutupad sa mga parokya ang pagpapanatili ng physical distancing, pagsusuot ng face mask, pagkakaroon ng footh bath at limitadong bilang ng mga dadalo sa bawat misa.
Dagdag pa ni Bisho Varquez, bawat simbahan ay may itinalagang isang entry at exit point upang masuri ang temperatura ng bawat papasok sa simbahan at maipatupad ang protocol.
Ayon pa sa Obispo base sa kautusan ay 1/3 lamang ng kabuuang kapasidad ng simbahan ang maaring pumasok o nangangahulugan na sa 100 kapasidad ng parokya ay maari lamang magkapagsimba ang 33 katao.
Bagama’t umaabot na sa higit pitong-libo ang kaso ng nagtataglay ng corona virusdisease sa bansa nanatiling covid-free ang Eastern Samar kabilang na dito ang Borongan.
Sa kasalukuyan ay mahigpit pa rin umiiral ang pagbabantay sa apat na borders ng Eastern Samar upang matiyak na hindi makakapasok ang virus kung saan tanging mga essential deliveries lamang ang maaring makalabas at makapasok sa lalawigan.
Ang Eastern Samar ay kabilang sa mga lalawigan na nasa ilalim ng General Community Quarantine na magsisimula sa unang araw ng Mayo.
Ang Diocese ng Borongan ay binubuo ng higit sa 400 libo ng mga mananampalataya na may 32 mga parokya na pinangangasiwaan ng 72 mga pari.