Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pampublikong misa, nagsimula na sa Diocese ng Kidapawan

SHARE THE TRUTH

 402 total views

June 2, 2020-12:04pm

Maituturing na ring ‘normal’ ang kasalukuyang sitwasyon sa North Cotabato na kabilang sa mga lugar na nasa ilalim nang umiiral na Modified General Community Quarantine.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, bahagya nang malaya ang pagkilos sa lalawigan maging ang komersyo at transportasyon.

“It’s almost like normal,” ayon kay Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Nagsimula rin ang misa sa mga parokya sa nasasakupan ng Diocese ng Kidapawan bagama’t mahigpit na umiiral ang health protocols base na rin sa pamantayang inilibas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na siya ring sinang-ayunan ng lokal na pamahalaan ng North Cotabato.

Ayon pa kay Bishop Bagaforo, bawat upuan ay may marka upang matiyak na 50-porsiyento lamang ng seating capacity ng mga mananampalataya ang maaring dumalo.

“We have markers sa mga upuan, pangalawa SOP na mayroong foot bath-disinfectant sa mga paa saka merong sanitizers at kinakailangan ang pag-wear ng facemask kasama na rin ang mga ministers of the sacrament, lectors and servers,” ayon pa sa obispo.

Nagsisilbi namang waiting area ang mga gymnassium na malapit sa simbahan para sa mga labis na bilang at dadalo sa susunod na oras ng misa.

Nakatakda ding pagpulungan ng diyosesis at mga parishioner ang paglalagay ng mga speaker sa waiting area upang doon na lamang sa labas makinig ng misa ang mga hindi na makakapasok sa Parokya.

“I-consult sa kababayan natin kung okay ba na dun na lang sila sa waiting area na makikinig na lang through speakers, device or monitor? We will see the development,” ayon kay Bishop Bagaforo na siya ring national director ng Caritas Philippines.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 6,224 total views

 6,224 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 26,952 total views

 26,952 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 35,267 total views

 35,267 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 53,933 total views

 53,933 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 70,084 total views

 70,084 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 9,913 total views

 9,913 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top