Panagutin ang mga sangkot sa PHILHEALTH corruption-Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 758 total reads

August 11, 2020, 12:18PM

Iginiit ng opisyal ng migrants ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na dapat paigtingin ang imbestigasyon sa katiwaliang nagaganap sa Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, dapat walang kikilingan at mahalagang panagutin sa batas ang mapatutunayang opisyal na sangkot sa alegasyong korapsyon sa loob ng ahensya.

“Investigation at Philhealth should continue, no one above the law nor sacred cows, guilty should be punished and there should be reparations,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Ang pahayag ng obispo ay makaraang ibinunyag ni Atty. Thorrsson Montes Keith na dating anti-fraud legal officer ng ahensya ang nawawalang 15-bilyong pisong pondo na nabulsa ng ilang matataas na opisyal ng Philhealth.

Bukod pa rito ang alegasyon naman ni Philhealth board member Alejandro Cabading na inendorso ni Philhealth President at CEO Ricardo Morales ang ‘bloated allocations’ ng ahensya para sa pagbili ng mga gamit ng I.T tulad ng software at iba pang I.T equipment na nagkakahalaga ng milyong piso na hindi inaprubahan ng Department of Information and Communications Technology.

Nanindigan si Bishop Santos na mawawalan ng tiwala ang mga manggagawang Filipino partikular ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa ahensya kung magpapatuloy ang katiwaliang nagaganap ditto.

Iginiit ng Obispo na mahalagang linisin ang corruption at parusahan ang mga opisyal na isinasangkot.

“How can Philhealth get and earn the trust of OFWs if there is rampart corruption? Before they ask for mandatory contribution from OFWs, Philhealth should clean and cleanse its ranks,” dagdag ng obispo.

Magugunitang isinusulong ng Philhealth nitong taon ang tatlong porsyentong premium batay sa sahod na natatanggap ng mga O-F-W sa kontribusyong ibabayad sa ahensya at gagawing mandatory mula sa fixed rate na P2, 400 kada taong bayad.

Ipinaliwanag ni Bishop Santos na hindi maiiwasang paghinalaan ng mga O-F-W na malulustay ang pinaghirapang salapi sa sariling interes ng mga opisyal ng Philhealth.

Paalala ng obispo sa lahat na dapat pakaingatan ang ambag ng mga O-F-W sapagkat ito ay bunga ng pagsasakripisyong malayo sa kanilang pamilya at hindi ito dapat gawing gatasan ninuman.

“OFWs are not milking cows; They should always remember that the OFWs contributions come from their blood, sweat and tears,’ giit ni Bishop Santos.

Samantala tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong ikasampu ng Agosto sa isang pulong-balitaan na pananagutin ang sinumang mapatutunayang nagkasala at dawit sa katiwaliang nagaganap hindi lamang sa Philhealth kundi maging sa iba pang ahensya ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 15,463 total reads

 15,463 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 96,924 total reads

 96,924 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 130,373 total reads

 130,373 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 165,672 total reads

 165,672 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 391,683 total reads

 391,683 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top