VeritasPH

The Word, The Truth

 1,360 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang pagtatanggol sa panukalang batas niyang layong gawing mandatory muli ang Reserve Officers’ Training Corps (o ROTC), sinabi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na ang mga handang pumatay at mamatay upang ipagtanggol ang bansa ay mas makabayan kaysa sa mga pipiling manood na lamang at hintayin ang bungang aanihin mula digmaan. Kung maisasabatas ang Senate Bill No. 2034 na itinutulak ng dating hepe ng PNP, required ang lahat ng estudyante sa kolehiyo o Higher Educational Institutions gayundin ang mga naka-enroll sa Technical Vocational Institutions na sumailalim sa ROTC sa loob ng apat na semestre.  

Nakakuha naman ng kakampi si Senador Bato sa kanyang dating amo na si dating Pangulong Duterte. Mahalaga raw ang basic military training upang matuto ang kabataang humawak ng armas para maging handa sa anumang pangyayari, lalo na kapag maubos daw ang mga sundalo at pulis. Magtuturo daw ang ROTC ng kasanayang maghahanda sa kabataan sa sandaling “magkagulo na ang mundo.” Naaawa raw ang dating presidente sa mga ayaw at hindi dumaan sa ROTC dahil “hindi [nila] alam [kung saan] pupunta” kapag “magkagulo talaga ang bayan natin.” Mabibigat na salita ang mga ito mula sa isang umaming siya mismo ay nagsakit-sakitan upang ma-exempt sa ROTC.

Kung sasangguni tayo sa mga panlipunang turo ng Simbahan, mauunawaan nating ang pagiging makabayan ay hindi tungkol sa kahandaang mag-alay ng buhay kapag ang ating bansa ay makikipagdigmaan sa iba. Makitid ang ganitong pananaw.  

Una sa lahat, itinuturo ng ating pananampalataya ang pagkiling sa kapayapaan, sa mga paraang lulutas sa mga gusot nang hindi gumagamit ng karahasan. Pangalawa, ang pagiging makabayan ay umuusbong sa ating pakikisalamuha sa ating kapwa—simula sa ating pamilya. Ang layunin ng pagkamakabayan ay ang magkawanggawa (o charity) at mag-ambag sa kabutihang panlahat (o common good). Sabi pa nga ni Pope John Paul II sa isang talumpati sa United Nations, ang tunay na pagkamakabayan o patriotism ay hindi naghahangad ng kabutihan para sa sariling bansa habang may inaapakang iba. Sa pagpasok sa digmaan sa ngalan ng bayan, hindi kabutihan ng alinmang bansa ang nakakamit. 

Maraming paraan upang maipakita natin ang ating pagkamakabayan. Sa “Panatang Makabayan” na itinuro sa atin noong ating kabataan at binibigkas pa rin hanggang ngayon sa mga paaralan, ang pag-aalay ng buhay ay hindi literal na pagpapakamatay para sa bayan. “Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas,” iyan ang huling pangungusap sa panata. Magagawa ito ng bawat isa sa atin—lalo na ang ating kabataan—hindi sa pamamagitan ng pagiging marunong na humawak ng armas, ng pagmamartsa sa ilalim ng araw, at pagiging sunud-sunuran sa mga nakatataas sa atin. Maipakikita natin ang ating pagkamakabayan sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan. Para sa kabataan, malaking bagay para sa bayan ang pag-aaral nang mabuti at pagsisikap na maabot ang kanilang pangarap. Para sa mga nakatatanda, nagiging makabayan tayo sa pag-iwas sa paggawa ng mali at pagmamatyag sa mga gumagawa ng mali. Nagiging makabayan tayo sa pagtupad natin sa ating mga tungkulin—pagbabayad ng tamang buwis, pagpili ng mahuhusay na lider, pagtulong sa ating kapwa, pagiging disiplinado sa kalsada, at maraming iba pa.  

Mga Kapanalig, panahon nang lampasan ang pananaw at paniniwalang ang pagiging makabayan ay maipakikita sa pagiging handang humawak ng armas sa ngalan ng bayan. Sa halip na turuan ang kabataang gumamit ng baril, bakit hindi natin linangin ang kanilang kaisipan, kakayahan, at, higit sa lahat, konsensya nang maging mabubuti at produktibong Pilipino sila? Wika nga sa Mga Awit 33:12, “Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos.” Hindi ito kailangang isang Katolikong Diyos, kundi ang lahat ng kinakatawan niya—kapayapaan, kabutihan sa kapwa, at katotohanan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 6,424 total views

 6,424 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 14,409 total views

 14,409 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 21,945 total views

 21,945 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 37,931 total views

 37,931 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 45,975 total views

 45,975 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 6,425 total views

 6,425 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 14,410 total views

 14,410 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 21,946 total views

 21,946 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 37,932 total views

 37,932 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 45,976 total views

 45,976 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,569 total views

 45,569 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,994 total views

 43,994 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,780 total views

 45,780 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,705 total views

 42,705 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,019 total views

 57,019 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,709 total views

 60,709 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,312 total views

 59,312 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,299 total views

 69,299 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,267 total views

 73,267 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,154 total views

 84,154 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top