Panatilihin ang kalinisan ng mga sementeryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Muling panawagan ng opisyal ng Catholic Bishops’ of the Philippines na panatilihin ang kalinisan sa mga sementeryo.

Ito ang mensahe ni CBCP-vice president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa pagdiriwang ng sambayanang Filipino ng Undas o All Saints and All Souls day.

“Maging pangunahin sana para atin ay ‘yung pagbibigay galang sa ating mga yumao, pananalangin ng sama-sama,” ayon kay Bishop David.

Ipinaalala ng Obispo na nakaugalian na ng mga tao na iwanan ang kanilang mga basura sa mga puntod kung saan sila nagtipon at nagsalo-salu kasama ang pamilya.

“Maging responsable sa ating mga panapon sa ating mga solid waste. At huwag iiwan sa mga sementeryo, ang dinala mo, dalhin mo din,” paalala ni Bishop David.

Hinimok ng Obispo ang publiko na maging responsable sa mga basura, huwag iwanan sa mga sementeryo at iwasan ang paggamit ng mga plastic.

Ang diyosesis ng Kalookan ang siyang nangangasiwa sa ilang malalaking sementeryo kabilang na dito ang La Loma Catholic Cemetery at ang La Loma Columbary.

Ang La Loma Catholic Cemetery ay nagbukas noong 1884, ang pinakamatandang sementeryo sa Manila na may lawak na 54 na ektarya na dating tinatawag bilang Cementerio de Binondo.

WALANG BAYAD ANG PAGBABASBAS

Pinaalalahanan din ng Obispo ang mga pari ng Simbahang Katolika na magbabasbas sa mga puntod na huwag maningil ng bayad.

Ayon kay Bishop David, bigyan ng konsiderasyon ang mga mahihirap at gawing boluntaryo ang kontribusyon ang ibibigay ng mga nais na magpabasbas sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Giit ng Obispo, bukod sa dahan-dahan ng tinatanggal ang arancel system ng simbahan bahagi rin ng tradisyon ng simbahan ang ‘gratis’ o walang bayad at hindi pagkaitan ng sakramento o serbisyo ng simbahan.

“Bigyan naman po ninyo ng konsiderasyon lalu na ang mga dukha, na sana boluntaryo na lang ang kontribusyon ang mga basbas,” ayon kay Bishop David.

Nakatakda namang magmisa si Bishop David sa La Loma Cemetery sa ika-2 ng Nobyembre ‘All Souls Day’ at magsasagawa ng pagbabasbas sa mga puntod kasama ang mga seminarista ng Kalookan at lay Eucharistic ministers.

Ayon sa Obispo ito ay libre habang hinikayat din ang publiko na i-report sa pamunuan ng sementeryo kung may maniningil sa pagbibigay ng basbas sa mga puntod.

CREMATED REMAINS SHOULD BE LOCK

Hindi rin sang-ayon ang simbahan sa mga nakagawian ng ilang mga Filipino na tuwinang inilalabas ang mga ‘urn’ ng mga namayapa kapag may pagdiriwang ang pamilya tulad ng mga kaarawan.

“Ang universal policy ng Catholic church na ‘yung cremated remains ay dapat na ilibing. Ibig sabihin ay sealed yung pagkakalibing sa mga columbaries hindi ‘yung pwedeng ilabas kung kailan nila gustong ilabas,” paliwanag ng obispo.

Sinabi ni Bishop David na bagama’t hindi masama ang intensyon ay inirerekomenda ng simbahan na sa halip na ilabas at iuwi ang “urn” tuwing may pagdiriwang ay dalawin ang kanilang mga yumao at manalangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 19,535 total reads

 19,535 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 56,437 total reads

 56,437 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 282,707 total reads

 282,707 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 176,174 total reads

 176,174 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 269,160 total reads

 269,160 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,921 total reads

 4,921 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top