Pangulo ng CBCP, labis ang pag-alala sa kaligtasan ng taga-Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 620 total reads

Labis ang pag-alala ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga biktima ng panibagong 6.5 magnitude na lindol na yumanig sa Mindanao nitong ika – 31 ng Oktubre.

Higit na ipinanalangin ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga taong pinangangambahang na-trap sa loob ng bumagsak na gusali sa Ecoland Drive Davao City at Kidapawan City makaraan ang malakas na panibagong pagyanig.

“We raise our minds and heart to the Lord and sincerely offered prayers for those people in great fear and anxiety and tension,” pahayag ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.

Pagsalarawan ng arsobispo, malakas ang lindol na naramdaman sa Mindanao Huwebes ng umaga na nagdulot ng takot sa mga residente dahilan upang kanselahin ang klase at trabaho sa malaking bahagi ng Davao Region at North Cotabato.

Sinabi ni Archbishop Valles na maituturing na bad indicator ang pagbagsak ng ilang gusali sapagkat nangangahulugan ito na lumalakas ang pagyanig ng lupa na malaking banta sa kaligtasan ng mamamayan.

Hinimok ni Archbishop Valles ang buong sambayanan na magkaisang manalangin para sa katatagan at pangalagaan ang bawat isa sa gitna ng mga sakuna sapagkat mahalaga ang pagtutulungan.

“The bigger population will pray to the Lord that they will keep calm, alert and to be watchful for each other; to be caring,” ani ng pangulo ng CBCP.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council 8 ang nasawi sa mga nagdaang lindol sa North Cotabato.

Patuloy naman ang search and rescue operations ng mga awtoridad sa mga gusaling bumagsak upang mailigtas ang mga residenteng na-trap.

Tiniyak ni Archbishop Valles na kaisa ang Panginoon sa mamamayang nakararanas ng pagsubok.

“We believe that He (God) does not abandoned us; He is there for us!” saad ni Archbishop Valles.

PANOORIN DITO ANG PANALANGIN NI ARCHBISHOP ROMULO VALLES:

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,335 total reads

 21,335 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,106 total reads

 58,106 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,376 total reads

 284,376 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 177,843 total reads

 177,843 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,725 total reads

 270,725 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top