Panawagan ng CEAP: Letter of support para sa mga frontliners at Covid-19 patients

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Educational Association of the Philippines-National Capital Region (CEAP-NCR) ang mga mag-aaral na magpaabot ng mga mensahe ng pagsuporta sa mga frontliners sa gitna ng pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Fr. Nolan Que, Regional Trustee ng CEAP-NCR at School Director ng Clusters 5 and 6 ng Roman Catholic Archdiocese of Manila Educational System (RCAM-ES) ang hakbang ay hindi lamang pagsuporta kundi magsilbing aral para sa mga kabataan sa pagsasakripisyo ng mga frontliners tulad ng ginawang pagpapakasakit ni Hesus para sa sanlibutan.

Giit ng pari ang malikhaing paraan ng pagpapahayag ng suporta ng mga kabataan para sa mga medical frontliners ay isa ring paraan upang maturuan ang mga kabataan na makatulong sa kapwa sa simpleng paraan ng pagpapahayag ng suporta.

“The letters we asked you to send to the doctors, nurses, and COVID-19 patients is our way for us, the Church, to gather as one body and seek God’s intercession to heal our infected brothers and sisters while strengthening the resolve of our medical personnel to treat them,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Que.

Paliwanag pa ni Fr. Que, isa rin itong paraan upang makapagpaabot ng panalangin sa Panginoon upang gabayan ang mga medical frontliners sa kanilang pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga may sakit dulot ng COVID-19.

“When you sent those letters, you were not merely complying to our request. It was your way of taking care of other members of the Church. You felt their pain and suffering but limited by our new reality, you sent the letters hoping these will alleviate their suffering,” dagdag pa ni Fr. Que.

Pagbabahagi pa ni Fr. Que, positibo ang naging tugon ng mga alumni doctors at nurses na nakatanggap ng mga liham ng pagsuporta ng mga mag-aaral para sa lahat ng mga frontliners kabilang na para sa police, janitors, supermarket personnel at local government officials.

Ayon sa Pari, isa rin itong magandang aral para sa mga estudyante na hindi lamang nakatutok sa mga aralin o asignatura sa halip ay nakabatay sa tunay na pagsasabuhay sa mga turo ng Panginoon.

“I sent some of your letters to our alumni doctors and nurses and their responses were heartwarming. I hope you also take time to send your letters to the police, janitors, supermarket personnel, and local government officials who continue to safeguard us,” ayon pa kay Fr. Que.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 36,599 total reads

 36,599 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 58,798 total reads

 58,798 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 95,298 total reads

 95,298 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 315,925 total reads

 315,925 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 348,438 total reads

 348,438 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top