Panawagan sa 3rd World Day of the Poor: May kakayahan ang bawat isa na tumulong sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 532 total reads

Bawat isa ay maaring makatulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

Ito ang nilinaw ni Msgr. Jose Clemente Ignacio-Vicar General at Moderator Curiae ng Archdiocese of Manila kaugnay sa paggunita ng ‘Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap.

Paliwanag ni Msgr. Ignacio, bukod sa tulong pinansyal maaring ibahagi sa kapwa ang sariling kakayahan at talino na biyayang kaloob ng Panginoon.

Mahalaga rin ayon kay Msgr. Ignacio ang tulong at paggabay pang-espiritwal upang matulungan ang kapwa na mas higit pang malapit sa Panginoon.

“Lahat tayo ay may maibibigay at kung ano man ang pwede nating maibigay maging materyal man o espiritwal o anumang talino na pwede nating ibahagi sa kapwa, ibahagi natin, ang Diyos pinagkalooban tayo ng napakalaking dignidad ng bawat isa sa atin at dahil dito maari tayong magbahagi ng mga biyaya ng Panginoon,” bahagi ng pahayag ni Msgr. Ignacio sa panayam sa Radyo Veritas.

Ayon naman kay Order of Malta Philippines President Dr. Leopoldo H. Lasatin bukod sa pananalangin ng pasasalamat para sa biyaya ng Panginoon ay aktibo rin ang lay-religious organization sa pagtulong sa mga nangangailangan sa lipunan.

Giit ni Lasatin, mahalagang magkaisa ang lahat upang sama-samang umangat at umunlad ang pamumuhay na siyang hinahangad ng Diyos para sa kanyang mga anak.

“Dapat lahat tayo magsama-sama para umangat lahat hindi lang isang grupo o yung sarili lang pero lahat lahat tayo kailangan umangat para sa Diyos,” dagdag pa ni Dr. Lasatin.

Nilinaw naman ni Fr. Aris Sison–Magestral Chaplian ng Order of Malta Philippines na ang pagtulong sa kapwa ay maari ring gawin sa pamamagitan ng simpleng paraan tulad ng pagbabahagi ng sariling panahon bilang volunteer sa mga parokya at mga gawain sa Simbahan.

“Hindi lahat may salapi na kayang ibahagi pero kung wala mang salapi may panahon tayo so pwede tayong mag-volunteer sa ating mga parokya, pwede tayong yung kahit sa simpleng paraan lang,” ayon kay Fr. Sison.

Pinangunahan ni Msgr. Ignacio ang misa para sa paggunita ng Order of Malta Philippines ng World Day of the Poor kung saan nagsagawa ng medical mission at nagkaloob ng maagang pamasko ang nasabing Lay-Religious Organization sa may 100-pamilya bilang tugon sa panawagan ni Pope Francis na pagbibigay pansin at pagtulong sa mga mahihirap.

Ang World Day of the Poor ay ipinagdiriwang tuwing ika-33 Linggo sa karaniwang panahon sa kalendaryo ng Simbahan, alin sunod sa panawagan ng Santo Papa na pagbibigay pansin at pagkalinga sa mga higit na nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 14,283 total reads

 14,283 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 100,589 total reads

 100,589 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 137,961 total reads

 137,961 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 169,221 total reads

 169,221 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 241,367 total reads

 241,367 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 32,565 total reads

 32,565 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top