Pangalagaan ang kalikasan upang hindi na maulit ang bagyong Yolanda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 928 total views

Let us take care of our environment, and our environment and mother nature will take care of us.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay sa paggunita sa ikawalong anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Pilipinas.

Ayon kay Bishop Bagaforo na siya ring national director ng National Secretariat for Social Action o Caritas Philippines, nawa ang Bagyong Yolanda ay magsilbing-aral sa bawat mamamayan upang mas bigyang-halaga at pansin ang pangangalaga at pagpapanatili sa ating inang kalikasan.

Paliwanag ng Obispo na isa sa mga mabigat na dahilan ng malawakang pinsala ng Super Typhoon sa bansa ay dulot ng patuloy na pagbabago ng klima ng mundo.

“Sana’y huwag nating makalimutan ang Typhoon Yolanda na [nanggising] sa ating pakikipagkaisa at [gumising] sa ating lahat na huwag nating pabayaan ang ating kalikasan,” mensahe ni Bishop Bagaforo.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, Nobyembre 8, 2013 nang manalasa ang Super Typhoon Yolanda o Typhoon Haiyan na itinuturing bilang unang Super Typhoon category at pinakamalakas na bagyong nanalasa sa bansa.

Higit na napinsala ng Bagyong Yolanda ang Eastern Visayas Region partikular na sa Tacloban City at Palo, Leyte kung saan mahigit sa 6,000-katao ang naitalang nasawi at higit sa 1,800 naman ang kasalukuyan pa ring nawawala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 50,619 total views

 50,619 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 50,619 total views

 50,619 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 50,619 total views

 50,619 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 49,066 total views

 49,066 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 44,819 total views

 44,819 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top