Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamahalaang nararapat sa atin

SHARE THE TRUTH

 351 total views

Mga Kapanalig, ipinapaalala sa atin sa mga Kawikaan 25:4-5 na kapag nawala sa kapangyarihan ang masasama, iiral ang katarungan sa bayan. Kaya naman, napakahalagang sa darating na eleksyon, pakinggan natin ang ating konsensya at piliin ang mga lider na hindi man perpekto ay nagsusumikap namang maging matuwid, makatarungan, at patas. Piliin natin ang mga lider na may integridad—mga kumikiling sa mabuti at iwinawaksi ang mali. Sabi pa rin sa mga Kawikaan 16:12, “’Di dapat tulutan ng isang pinuno ang gawang kasamaan, ‘pagkat ang katatagan ng pamamahala ay nasa katarungan.”

Mahalagang saligan ng katarungan ang katotohanan. Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan na tungkulin ng bawat isa sa ating kumilos patungo sa katotohanan, ang igalang ito, at maging responsableng saksi rito. Kung ang ating pamumuhay at pakikipag-ugnayan sa ating kapwa ay nakabatay sa kung ano ang totoo at tama, nagiging makabuluhan ang mga ito at samakatuwid ay naitataguyod ang ating dignidad. Ang pagkilala sa dignidad natin at ng ating kapwa ang mag-uudyok sa ating kumilos para tiyaking lahat ay makapamumuhay sa isang makatarungang lipunan—walang iniiwan, walang isinasantabi, walang inaapakan.

At malaki ang papel ng mga pinuno ng bayan upang mapangalagaan ang katotohanan at umiral ang tunay na katarungan. Naniniwala tayong matalino ang mga botanteng Pilipino, bagamat marami silang lehitimong isinasaalang-alang kapag pumili ng mga lider. Ngunit huwag sana nating kalimutang piliin ang mga kandidatong hindi nagsisinungaling, hindi naghahangad ng kapangyarihan para sa sariling interes, at hindi nabubuhay sa karangyaang bunga ng kawalang-katarungan.

Madali lang namang gawin ito.

Halimbawa, kung nagagawa ng isang kandidatong magsinungaling tungkol sa kanyang edukasyon upang palabasing mataas ang kanyang pinag-aralan, hindi kaya mas malaki ang mga kasinungalingang kanyang gagawin kapag namumuno na siya? Kung nagagawa ng isang kandidatong lumusot sa batas katulad ng hindi pagbabayad ng tamang buwis, anong kabaluktutan kayâ ang kaya niyang gawin kapag tangan na niya ang kapangyarihan sa pamahalaan? Kung nagagawa ng isang kandidatong magpakalat ng maling impormasyon upang pagtakpan ang pagnanakaw na ginawa ng kanilang magulang, makaasa ba tayong magiging tapat siya sa kanyang posisyon?

Sa huli, ang kahihinatnan ng ating bayan ay hindi lamang nakasalalay sa ating mga lider. May kasabihan nga, “The government you elect is the government you deserve.” Sa Filipino, ang pamahalaang ating inihahalal ay ang pamahalaang nararapat sa atin. Anong tingin mo rito, Kapanalig?

Nararapat ba sa atin ang isang pamahalaang hindi pinahahalagahan ang katotohanan? Nararapat ba sa atin ang mga pinunong sinungaling at lumalabag mismo sa ating mga batas? Nararapat ba sa atin ang gobyernong harap-harapan tayong ninakawan? Kung “oo” ang iyong sagot sa mga tanong na ito, ano kaya ang sinasalamin nito tungkol sa ating mga pinapahalagahan? Kung “hindi” naman ang iyong sagot, anu-ano ang mga kaya nating gawin upang magkaroon tayo ng pamahalaang tunay na nararapat sa atin?

Sa dami ng krisis na pinagdaanan natin nitong mga nakaraang taon at hanggang sa kasalukuyan—mula sa kaliwa’t kanang patayan sa ngalan umano ng kapayapaan hanggang sa pandemyang nagdulot ng matinding pagdurusa sa marami sa atin—tunay na kritikal ang paparating na halalan. Naghahanap ang ating bayan ng mga pinunong huwaran ng pagtataguyod ng katotohanan, mga pinunong tunay na maglilingkod para sa isang makatarungang lipunan, mga pinunong magbibigay sa atin ng inspirasyong kumilos para at kasama ang ating kapwa.

Mga Kapanalig, bitbitin natin ang paalalang ito ni Pope Francis noong bumisita siya sa Pilipinas noong 2015: “It is now, more than ever, necessary that political leaders be outstanding for honesty, integrity, and commitment to the common good.” At mangyayari lamang ito kung ang mga iboboto natin ay tapat, may integridad, at tunay na may malasakit sa kabutihan ng lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,808 total views

 73,808 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,803 total views

 105,803 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,595 total views

 150,595 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,542 total views

 173,542 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,940 total views

 188,940 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 973 total views

 973 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 12,028 total views

 12,028 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,809 total views

 73,809 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,804 total views

 105,804 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,596 total views

 150,596 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,543 total views

 173,543 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,941 total views

 188,941 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,900 total views

 135,900 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,324 total views

 146,324 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,963 total views

 156,963 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,502 total views

 93,502 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,792 total views

 91,792 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top