Pangalagaan ang migranteng Pilipino, hamon ng Vatican sa Diocese of Balanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,464 total reads

Tutukan ang pangangalaga sa mga migranteng Pilipino at biktima ng pang-aabuso sa ibang bansa.

Ito ang ibinahagi ni Scalabrinian Father Fabio Baggio, undersecretary ng Vatican Dicastery for the Promotion of Integral Human Development-Migrants and Refugees Section sa mga itinalagang opisyal ng bagong tatag na Diocesan Migrants Ministry ng Diyosesis ng Balanga.

Ayon kay Fr. Baggio, malaking bagay ang pagsasakripisyo ng mga migranteng Pilipino sa pakikipagsapalaran sa ibayong dagat upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga naiwang pamilya dito sa Pilipinas.

Binigyang-diin ng opisyal ng Vatican na mahalagang malaman ng isang migrante ang lahat ng impormasyon upang hindi maging biktima ng pang-aabuso sa ibang bansa.

“Every migration should be in foremost decision. When somebody is going to decide to migrate, he or she should be able to have all the necessary information in order not to be tricked, not to be cheated, and not to be trafficked,” pahayag ni Fr. Baggio.

Sinabi pa ng pari na tungkulin din ng simbahan na suportahan at pahalagahan ang mga pamilya lalo na ng mga anak ng mga migranteng Pilipino na nangungulila sa kanilang presensya.

“It’s not easy for the children to go out without the presence of one of their parents. And this is why special support should be provided to them in order to understand the new situation of the family and to cope with the different difficulties which they just fear,” ayon sa opisyal ng Vatican.

Naniniwala naman si Fr. Baggio na sa kabila ng pagsasakripisyo ng mga migrante upang maghanapbuhay sa ibang bansa, misyon din nila ang pagpapalaganap ng pananampalataya kahit na saan mang dako ng daigdig.

Ito ang napansin ng pari sa mga Pilipino na kahit wala sa sariling bayang sinilangan ay hindi pa rin kinakalimutan ang tradisyon at pananampalatayang nakagisnan.

“There is a mission which is entailed in migration. A mission of proclaiming the faith that will learned in our birthplace, in our place of origin. There is a mission which is entrusted to every single migrant worker to be bearers and witnesses of their faith wherever they are,” saad ni Fr. Baggio.

Sa kabuuang tala ng pamahalaan, mahigit 10-milyong Filipino sa iba’t ibang bansa o katumbas sa halos 5-libong Filipino ang umaalis araw-araw upang maghanap-buhay sa ibayong dagat.

Una nang kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga migranteng Filipino na nagsasakripisyo para maitaguyod ang kanilang pamilya kahit na malayo sa mga mahal sa buhay.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 1,485 total reads

 1,485 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 11,173 total reads

 11,173 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 51,733 total reads

 51,733 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 79,149 total reads

 79,149 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 127,414 total reads

 127,414 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 149,032 total reads

 149,032 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,384 total reads

 128,384 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top