Pangulong Duterte humingi ng palugit, sa isyu ng labor contractualization

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Humihingi pa ng kaunting panahon ang Pangulong Rodrigo Duterte para ipatupad ang total ban ng labor contractualization.

Ito ang inihayag ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay matapos ang pakikipagpulong kay Pangulong Duterte.

“Napakahaba na po ng struggle namin tungkol dito sa end contractualization, kaya hindi na namin bibitawan ito. Pero ang implication ho ng ganyang statement ay ung nagka-ayos ang labor coalition at ibang labor group na i-engage ang pangulong Duterte at bigyan sya ng legal frame work,” ayon kay Tanjusay.

Hindi rin sang-ayon ang TUCP sa inilabas na department order 174 na hindi naman tunay na magbibigay ng kasiguraduhan sa trabaho ng mga manggagawa.

Read:
Manggagawa, talo sa end ‘the end’ ng Endo

Sinabi ni Tanjusay, tiniyak naman ng Pangulo ang muling pakikipagpulong sa TUCP na itinakda sa ika-10 ng Mayo bagama’t wala pang ibang detalye na inilalabas ang Malacanang.

“Isyu ng contractualization, ‘yan pa rin ang surpresa ng Pangulo. Ibig ko sabihin, di sya tumalikod sa commitment sa amin na tanggalin ang contractualization. Sabi nya mag-draft kayo ng executive order at magkita tayo ulit sa May 10,” ayon pa kay Tanjusay.

Bukod sa isyu ng ‘endo’, kabilang sa hiling ng TUCP ang pagkakaroon ng P500 subsidy kada buwan para sa manggagawa lalu’t patuloy na bumababa ang purchasing power ng piso sa bansa.
Read:
P500 subsidy para sa mga manggagawa iginiit ng TUCP

Paliwanag pa ni Tanjusay, sinabi ng Pangulo na kailangan munang matanggal ang ilang mga balakid para tuluyang matanggal ang contractualization sa bansa, kabilang na ang mga usapin ng seasonal at project based workers.
Noong taong 1891 nang ilabas ni Pope Leo X111 ang encyclical na Rerum Novarum na layung bigyan pansin ang kalagayan ng mga manggagawa at kapitalista sa buong mundo at bigyang katarungan ang working class na isa sa susi ng pag-unlad ng bawat lipunan.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority noong January 2017, umakyat sa 6.6% ang unemployment rate sa bansa, mas mataas kumpara sa 5.7% noong nakaraang taon.

Base naman sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Station, 11.5 milyong pamilyang Filipino ang nagsasabing sila ay mahirap kumpara sa 10 milyong pamilya sa nakalipas na Disyembre.

Ang Pilipinas ay binubuo ng 69.4 milyong manggagawa may trabaho o wala na nasa edad 15 taong pataas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 238,517 total reads

 238,517 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 270,246 total reads

 270,246 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 372,072 total reads

 372,072 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 412,633 total reads

 412,633 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 423,309 total reads

 423,309 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 283,019 total reads

 283,019 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 399,271 total reads

 399,271 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top