Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panigan ang kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 177 total views

Mga Kapanalig, sa gitna ng laban ng buong mundo laban sa COVID-19, pumutok muli ang hidwaan sa pagitan ng Israel at Palestine noong ikalawang linggo ng Mayo. Umabot sa halos 200 katao ang namatay sa Gaza Strip, kabilang na ang 55 batang Palestino at dalawang batang Israeli. Matapos ang 11 araw ng karahasan, nagkaroon ng ceasefire sa pagitan ng dalawang grupo alang-alang sa buhay ng mga sibilyan sa dalawang magkatunggaling bayan.

Paano nga ba nagsimula ang hidwaang ito?

Isandaang taon na ang nakakalipas, matapos ang unang digmaang pandaigdig o World War I, mauugat ang hidwaan sa pagitan ng mga Hudyo at mga Palestino (na karamihan ay Arab). Ninais noon ng United Kingdom o Britanya na ibigay ang lupaing bahagi ng kanilang kolonya na tinitirhan ng mga Palestino sa mga Hudyo upang magkaroon sila ng sariling lupain. Kung susumahin, ang hidwaan sa pagitan ng Israel at Palestine ay mula sa kagustuhan ng mga Hudyo na magkaroon ng tahanang matatawag nilang kanila at sa pagtatanggol naman ng mga Palestino sa lupaing itinuring na nilang tahanan.

 

PSD Toktok

 

Sa paglikas ng mga Hudyo sa Europa sa kalupitan ng Holocaust noong ikawalang digmaang pandaigdig o World War II, lalong tumindi ang paghahanap ng tahanan ng mga Hudyo kasabay ng lumalalim na hidwaan sa pagitan nila at ng mga Palestino. Taóng 1947 nang nagdesisyon ang United Nations na hatiin ang noo’y Palestine sa dalawang bansa: isa para sa mga Hudyo (ngayon ay Israel) at ang isa ay ang Palestine. Samantala, ang Jerusalem ay itinuring na “international city” na hindi bahagi ng alinman sa dalawang bansa. Hindi nagtagumpay ang planong ito, at sa halip ay nauwi sa digmaan sa pagitan ng dalawang bayan. Nagkaroon din ng armadong grupo na kung tawagin ay Hamas sa hanay ng mga Palestino, at ngayon ngang Mayo ay nagsimulang maglaban ang mga militar ng Israel at ang armadong grupo.

Sa gitna ng marahas na alitan sa pagitan ng dalawang grupo ay nagpahayag si Pope Francis ng pagkabahala. Umapela siyang tigilan na ang karahasan at sa halip ay tahakin ang daan tungo sa kapayapaan. Sabi pa ng Santo Papa, terible at hindi katanggap-tanggap na naiipit at nasasawi ang mga batang walang kamuwang-muwang. Ang tanong niya: Saan tayo dadalhin ng galit at paghihiganti? Maitatatag ba ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagwasak sa isa’t isa?

Marami sa mga wala sa Israel at Palestine, katulad nating mga nasa Pilipinas, ang hindi alam kung kanino papanig o kung anong marapat na gagawin upang may maimbag sa pagtigil sa karahasan doon. Marapat nating tandaan: hindi lamang sila mga dayuhang nasa Israel o Palestine, sila ay ating kapwa, mga kapatid. At iyan ang binibigyang-diin sa atin ng Santo Papa sa kaniyang encyclical na Fratelli Tutti: lahat tayo ay magkakapatid. Noong 2017, sinabi na ng Santo Papa na ang pagkikipagdayalogo bilang bahagi ng peace process ay mahalagang hakbang tungo sa kapayapaan. Sa Fratelli Tutti, sinabi rin niyang sa pakikipagdayalogo at mahinahong pag-uusap, kinakailangang kilalanin natin ang ating sariling identidad at maging bukás tayo sa sa isa’t isang may pinanggalingan, pagkamamamayan, at kulturang pinagmulan. Katulad ng mga Israeli at mga Palestino na may kani-kanilang identidad, ang pagkilala sa isa’t isa ay mahalaga upang makapag-usap at maging tunay ang dayalogo.

Mga Kapanalig, wala tayong dapat panigan sa mga naghahasik ng karahasan. Ang kapayapaan ang dapat nating panigan. Sa hidwaang ito sa pagitan ng Israel at Palestine, nawa’y mangibabaw sa kanila ang pakikipagkapwa. Sabi nga sa Roma 14:19, “Kaya’t lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa’t isa.” Ipagdasal natin ang pamamayani ng kapayapaan sa bahaging iyon ng mundo.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 1,200 total views

 1,200 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 8,682 total views

 8,682 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 21,822 total views

 21,822 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 27,795 total views

 27,795 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 33,550 total views

 33,550 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 1,201 total views

 1,201 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 8,683 total views

 8,683 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 21,823 total views

 21,823 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 27,796 total views

 27,796 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 33,551 total views

 33,551 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,156 total views

 40,156 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,240 total views

 41,240 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,621 total views

 36,621 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,625 total views

 48,625 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,667 total views

 56,667 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,224 total views

 48,224 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,649 total views

 46,649 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,435 total views

 48,435 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,360 total views

 45,360 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,674 total views

 59,674 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top