Papal charity-ACN Philippines, hinikayat ang mananampalataya na makiisa sa #RedWednesday Recollection Concert

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total reads

Nakatuon sa pag-ibig ang tema ng paggunita ng taunang Red Wednesday campaign ngayong taon.

Ayon kay Jonathan Luciano-national director ng ACN-Philippines, ang dakilang pag-ibig ng Diyos ang pinanggagalingan ng lahat ng kaloob at pag-asa para sa bawat mamamayan maging sa mga nagbuwis ng buhay sa paninindigan para sa pananampalataya at simbahan.

“For this year, we [ACN] decided to go back and reflect – love, indeed is the root of everything; of charity, of hope, of faith. Ang pag-ibig ng Diyos ang pinagmulan ng lahat,” pahayag ni Luciano sa panayam ng Radio Veritas.

Ang Red Wednesday na pinasimulan ng papal charity sa United Kingdom noong 2016-isang paggunita sa mga inuusig na Krsitiyano sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Paliwanag pa ni Luciano na ang kulay pula ay sumasagisag ng pagiging martir o pag-aalay ng dugo para sa pananampalataya na nangangahulugan ng pag-ibig para sa Diyos.

“We hope that Red Wednesday, together with the Recollection Concert, will inspire the faithful. Despite hard times, there is a reminder of love,” dagdag pa ni Luciano.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang ‘RED MEANS LOVE: One Church against COVID-19′ na inialay din para sa mga medical at service frontliners na nagpapatuloy sa paglilingkod sa kabila ng matinding panganib sa sariling kalusugan bunsod ng nakahahawang coronavirus.

Ito rin ay pagkilala sa katatagan ng halos 60-milyong indibidwal na nahawaan ng sakit kabilang ang apatnaraang libong Filipino.

“Aside from that, Red Wednesday also highlights our frontliners and the COVID-19 victims. It is a symbol of their courage, a symbol of their strength to fight the virus, to fight for their family, for all of us,” ayon pa ni Luciano.

Gaganapin naman ang Red Wednesday recollection concert sa ika-25 ng Nobyembre alas otso ng gabi na pangungunahan ni Msgr. Gerardo Santos at Ms. Cris Villonco. Makibahagi rin dito si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, ang kasalukuyang Vice President ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Inaasahan ring magtatanghal sina Jose Mari Chan; ang Young Voices of the Philippines at Kantabella.

“The recollection concert is also our way of reminding everyone that Christmas is about to come. Christ is about to come, at nararapat tayong magbunyi,” giit ng opisyal ng ACN.

Matutunghayan ang Red Wednesday Recollection concert sa social media pages ng Radio Veritas, TV MAria, CBCP at iba pang Catholic owned social media accounts.

Enero nang idineklara ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang Red Wednesday campaign bilang opisyal na pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas na gaganapin pagkatapos ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,362 total reads

 11,362 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 67,279 total reads

 67,279 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 152,645 total reads

 152,645 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 199,381 total reads

 199,381 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 247,253 total reads

 247,253 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 347,885 total reads

 347,885 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top