Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Para sa kabuuang kaunlaran ng mga bata

SHARE THE TRUTH

 374 total views

Mga Kapanalig, noong estudyante kayo, anu-ano ang mga sinalihan ninyong extracurricular activities sa paaralan? Tiyak na nag-iwan ang mga ito ng mga hindi malilimutang alaala sa inyo.

Pero ano ang masasabi ninyo sa planong pagbabawal ng Department of Education (o DepEd) sa mga extracurricular activities sa kasalukuyang school year? Dapat na tutukan na lang daw ng mga bata ang mga aralin sa loob ng kanilang mga silid-aralan. Para sa mga tumututol, hindi nakakulong sa apat sa sulok ng silid-aralan ang pagkatuto ng mga bata.

Noong isang linggo, inanunsyo ni DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte na ipagbabawal na ang mga extracurricular activities para sa school year 2022-2023 upang matutukan daw ng mga estudyante at kanilang mga guro ang mga kailangang habuling aralín sa pag-aaral na naudlot dahil sa pandemya. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pang pormal na anunsyong inilalabas ang DepEd kung anu-ano ang mga aktibidad na ipagbabawal, ngunit ang mga extracurricular activities ay hindi bahagi ng regulár na school curriculum. Kabilang sa mga ito ang mga gawaing may kinalaman sa arts, sports, journalism, at teatro.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (o ACT), maaaring hindi produktibo ang naturang patakaran ng DepEd. Nangangamba sila sa posibilidad na humantong ito sa “burnout” o labis na pagkapagod ng mga estudyante pati na ng mga guro. Ang mga extracurricular activities daw kasi ang isa sa mga pinaghuhugutan ng mga estudyante ng saya at pahinga mula sa mga istrikto at pormal nilang gawain sa loob ng silid-aralan. Dagdag ng ACT, nag-aambag o nakatutulong ang iba’t ibang porma ng gawaing ito sa kabuuang pag-unlad ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng pagsali sa mga extracurricular activities, nagkakaroon ang mga bata ng disiplina, kumpiyansa at tiwala sa sarili, at kritikal na pag-iisip. Nakatutulong ang mga ito sa paghubog sa kanilang kakayahang lumutas ng mga problema, maging malikhain, makihalubilo sa kanilang kapwa, at makipagtulungan sa iba. Nagkakaroon sila ng pagkakataong kilalanin ang kanilang sarili at alamin kung saan sila mahusay at makahahanap ng makabuluhang bagay na pagtutuunan nila ng kanilang atensyon. Mahalagang espasyo ang paaralan para sa paglilinang ng mga kakayanang hindi lamang umiikot sa mga pagsusulit at recitation. Maling akala na ang pagkakataon para sa mga gawaing labas sa lesson plans ay nagtatanggal ng oras mula sa tunay na pagkatuto ng mga bata. Hindi nauunawaan ng ganitong paniniwala ang mga benepisyo ng iba’t ibang gawain sa paaralan sa paglago ng mga bata.

Mahalaga rin para sa mga nakatatanda, lalo na sa mga opisyal ng kagawaran ng edukasyon, na isaalang-alang ang kahalagahan ng konsultasyon at pakikipag-usap sa mga bata bago ang pagbubuo ng mga patakarang makaaapekto sa kanila. Gaya ng paalala sa Kawikaan 2:2, “pakinggan mo kung ano ang makapagbibigay sa iyo ng karunungan at kaalaman.” May mga pagkakataong may mga rekomendasyon ang mga nakatatanda, lalo na ang mga may posisyon sa pamahalaan o iba pang organisasyon, na maaaring magmukhang pabor at kapakipakinabang para sa mga bata. Ngunit ang katotohanan, mayroong mga bagay na ang mga bata ang tunay na nakauunawa at nakakaintindi dahil bahagi ito ng kanilang katotohanan at karanasan.

Mga Kapanalig, mahalagang pakinggan at unawain ang opinyon ng mga bata tungkol sa mga isyung direktang nakaaapekto sa kanila. Mahalagang nakikibahagi sila. Gaya ng paalala ni Pope Francis, hindi natin maaaring ipagsawalambahala ang pakikilahok ng mga tao, kabilang ang mga bata. Ang kanilang karunungan, lalo na ng mga maliliit ay hindi maaaring isantabi… dapat pakinggan ang lahat… Kailangang tiyaking may pakikilahok at partisipasyon ang mga miyembro ng lipunan, kabilang ang mga bata, sa pagkamit natin ng tunay na makabubuti sa lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 3,614 total views

 3,614 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 11,095 total views

 11,095 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 24,235 total views

 24,235 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 30,208 total views

 30,208 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 35,963 total views

 35,963 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 3,615 total views

 3,615 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 11,096 total views

 11,096 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 24,236 total views

 24,236 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 30,209 total views

 30,209 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 35,964 total views

 35,964 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,321 total views

 40,321 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,405 total views

 41,405 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,786 total views

 36,786 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,790 total views

 48,790 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,832 total views

 56,832 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,389 total views

 48,389 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,814 total views

 46,814 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,600 total views

 48,600 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,525 total views

 45,525 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,839 total views

 59,839 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top