CBCP-ECHC, pinag-iingat ang mamamayan sa denue at leptospirosis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 596 total reads

Pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko na panatilihin ang kalinisan upang makaiwas sa mga lumalaganap na sakit.

Ayon kay Fr. Dan Cancino, MI, executive secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Health Care, mahalaga ang pagiging malinis lalo na ngayong tag-ulan upang mapanatili ang kaligtasan mula sa mga malalang karamdaman tulad ng dengue at leptospirosis.

“Tayo po ay magcontribute. Panatilihin nating malinis ang ating kapaligiran. Maglinis po tayo. Tayo ngayon ay nasa Season of Creation kaya tamang-tama, kung mayroon tayong malusog na planeta, may malusog tayong namamahay dito – ang mga tao,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Ang dengue ay nakukuha mula sa infected na lamok o aedes aegypti na nangingitlog sa mga lugar na mayroong nakaimbak na tubig, at karaniwang tinatamaan ay mga bata at sanggol.

Habang ang leptospirosis naman ay sakit na naipapasa mula sa mga kontaminadong tubig tulad ng baha na mayroong ihi ng daga, at lubhang mapanganib sa mga taong mayroong sugat sa bahagi ng binti hanggang paa.

Mayroong pagkakatulad sa mga karaniwang sintomas ang dengue at leptospirosis tulad ng pagkakaroon ng lagnat na may kasamang pananakit ng ulo at kalamnan, pagsusuka, at skin rashes.

Hinikayat naman ni Fr. Cancino ang publiko na huwag balewalain sakaling magkaroon ng anuman sa mga nabanggit na sintomas at sa halip ay agad na magpakonsulta sa doktor upang malapatan ng lunas.

“Mayroon tayong mga facilities, ang ating mga healthcare center at mga ospital na pwede nating lapitan at magpa-check-up. Huwag nating babalewalain dahil ang early diagnosis ng isang karamdaman ay pagtulong upang masugpo ito,” ayon sa opisyal ng CBCP.

Batay sa tala ng Department of Health, umabot na sa humigit-kumulang 119,000 ang kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon kung saan nasa 400 na ang naitalang nasawi.

Nakapagtala naman ang leptospirosis ng halos 1,500 kaso mula Enero hanggang Agosto 2022 na umabot na sa 203-katao ang mga nasawi.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,459 total reads

 5,459 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 7,180 total reads

 7,180 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 16,958 total reads

 16,958 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 54,336 total reads

 54,336 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 85,606 total reads

 85,606 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 162,036 total reads

 162,036 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 255,435 total reads

 255,435 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,561 total reads

 73,561 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top