Pardon sa mga pulis na sangkot sa Espinosa slay, maaring maging batayan ng impeachment

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total reads

Ipinaliwanag ni Atty. Edward Chico – Ateneo Law School Professor, na ang Presidential Pardon ay natatanging kapangyarihan na iginagawad sa Pangulo ng bansa.

Kaugnay ito sa pahayag ni President Rodrigo Duterte na maaari niyang patawan ng pardon ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Ayon kay Atty. Chico, bagamat ito ay may legal na batayan, kinakailangan paring tingnan kung moral ang magiging batayan ng pagpapatupad ng kapangyarihan.

“Ito ay unique na pagkakataon na pwedeng i-exercise ng pangulo, kaya lang morally maaring magkakaproblema tayo dyan sapagkat hindi yan magugustuhan ng taumbayan. Kase kung obviously guilty itong mga tao na to, so supposedly they should pay,” bahagi ng pahayag ni Chico sa programang Veritas Pilipinas.

Nilinaw ni Chico na kung i-pardon ng Pangulo ang mga pulis ay wala pang kaso na naidudulog sa Supreme Court kaugnay sa ganitong sitwasyon.

Ipinaliwanag naman ni Chico na kung nais ng sinuman na panagutin ang Pangulo sa ganitong aksyon ay maaari itong maging batayan ng “Betrayal of Public Trust”.

“Ngayon, kung wala pa tayong pagbabatayan, maaari nating subukan, a tax payer can practically file a case against that assuming the president does that, but at the end of the day right now, if you ask me technically, he can really do that, ang mangyayari lang dyan, tama ba yan morally? So ang maaari nating gawin, puwede nating i-consider yan na betrayal of public trust. Kasi yung betrayal of public trust pwede yan as a ground for impeachment,” dagdag pa ni Atty. Chico.

Sa kasalukuyan, 18 pulis na hinihinalang sangkot sa pagpatay kay Mayor Espinosa ang nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group Region 8 sa Leyte.

Una nang iginiit ng Simbahang Katoliko na nararapat pa ring pairalin ng mga otoridad ang proseso ng batas at bigyang paggalang ang karapatang pantao maging ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 19,193 total reads

 19,193 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 53,560 total reads

 53,560 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 90,042 total reads

 90,042 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 108,254 total reads

 108,254 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 191,583 total reads

 191,583 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,640 total reads

 378,640 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top