Pasig River Expressway, tinututulan ng Diocese of Pasig

SHARE THE TRUTH

 417 total views

Mariing tinututulan ng Diyosesis of Pasig ang pagtatayo ng Pasig River Expressway (PAREX) sa kahabaan ng ilog Pasig.

Sa inilabas na Pastoral Statement, sinabi ni Bishop Mylo Hubert Vergara na ang PAREX project ay magdudulot ng pinsala hindi lamang sa Ilog Pasig, kundi maging sa mga komunidad, kultura at kalikasan sa buong Metro Manila.

“We do not need another project like an expressway in order to be called a “livable city” that will cause harm and death. PAREX is not a solution to ease the traffic but will worsen our future,” pahayag ni Bishop Vergara.

Iginiit ni Bishop Vergara, vice president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na kapag natuloy ang PAREX project ay higit nitong maaapektuhan ang natural na sistema ng Ilog Pasig.

Dagdag pa ng Obispo na ang usok na magmumula sa mga sasakyan ay lalo lamang makadaragdag sa polusyon sa hangin habang ang isasagawa namang dredging sa ilog ay maaaring magdulot pa ng mas matinding pagbabaha.

“Dredging is not a remedy for flooding; it can make flooding worse. It can also make water quality worse by releasing buried toxins. Dredging is therfore a flase solution,” ayon sa Obispo.

Ilan pa sa mga suliraning binigyang-pansin ng obispo ay ang magiging epekto nito sa kalusugan ng mga tao dahil sa polusyon, at ang pagkaubos ng “green public spaces” sa kalakhang Maynila.

Mararanasan din dito ang “urban blight” sa mga komunidad at establisyimentong nakapaligid sa ilog dahil matatakpan ito ng expressway na siya namang makakabawas sa oportunidad para sa pag-unlad, trabaho at hanapbuhay.

Tinukoy din ni Bishop Vergara ang epekto nito sa Disaster Risk and Emergency Response sa Metro Manila sa oras ng mga sakuna at epekto nito sa kultura lalo na sa bahagi ng Intramuros sa Maynila kung saan matatakpan ang iba’t ibang makasaysayang gusali.

“We should not allow PAREX to erase our river of memory and to kill the river of life forever!,” giit ng Obispo.

Ang PAREX na may habang 19.37 kilometro ay popondohan ng San Miguel Corporation na nagkakahalaga naman ng P95-bilyon.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 29,623 total views

 29,623 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 35,041 total views

 35,041 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 41,748 total views

 41,748 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 56,543 total views

 56,543 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 62,699 total views

 62,699 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Pagpapabilis sa proseso ng mining permits, tinututulan ng ATM

 431 total views

 431 total views Tinututulan ng Alyansa Tigil Mina ang plano ng Department of Environment and Natural Resources na pabilisin ang proseso sa pagbibigay ng mining permits. Ito’y matapos na i-anunsyo ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na gawing tatlong taon mula sa anim na taon ang proseso sa mining permits para sa pagpapatupad ng digitalization sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Katotohanan sa pamamahayag, kinakailangan sa paglaban sa climate change

 1,617 total views

 1,617 total views Pinuri ng Climate Change Commission (CCC) ang kahalagahan ng epektibo at responsableng pamamahayag sa gitna ng kinakaharap na pagsubok sanhi ng pagkasira ng kalikasan at nararanasang krisis sa klima. Ayon kay CCC vice chairperson and executive director Robert E.A. Borje, sinisikap ng mga journalist o mamamahayag na palakasin ang tinig ng mga sektor

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Supreme Court, pinuri ng Caritas Philippines

 1,649 total views

 1,649 total views Suportado ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang desisyon ng Supreme Court na ang red-tagging ay isang banta sa karapatan ng mga Pilipino. Ayon kay Caritas Philippines’ president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, maituturing ang desisyon ng Korte Suprema na malaking pagbabago para sa mga tagapagtanggol ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagsagip sa Danajon Bank double barrier reef, panawagan ng Obispo ng Tagbilaran

 1,948 total views

 1,948 total views Umapela ang Diyosesis ng Tagbilaran sa mamamayan at mga lokal na opisyal ng Bohol upang iligtas sa mapaminsalang pag-unlad ang Danajon Bank Double Barrier Reef. Ayon kay Bishop Alberto Uy, tungkulin ng bawat isa na isaalang-alang ang pangangalaga sa mga itinuturing na mahalagang kayamanan ng bansa upang mapanatili ang likas na ganda at

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

Mamamayan, hinamong supilin ang kultura ng takot na umiiral sa bansa

 1,957 total views

 1,957 total views Nalulutas lamang ang isang suliraning panlipunan kapag ang lahat ay kumikilos at nakikibahagi. Ito ang binigyang-diin ni running priest Fr. Robert Reyes hinggil sa pag-iral ng kultura ng takot sa lipunan dulot ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Fr. Reyes, ang pagtugon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Ipagdasal ang mga bumbero, panawagan ng MOP sa mananampalataya

 2,320 total views

 2,320 total views Hinikayat ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang patuloy na pananalangin para sa kaligtasan ng mga bumbero. Ayon kay Bishop Florencio, malaking tulong ang pagkakaroon ng espiritwal na paggabay sa mga bumbero lalo na’t hindi biro ang kanilang misyong pigilan ang pinsala ng sunog at magligtas ng maraming buhay.

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Cardinal Advincula may hamon sa BFP

 2,472 total views

 2,472 total views Manindigan at matapang na harapin ang pagsubok tulad ni San Floriano. Ito ang hamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga kawani ng Bureau of Fire Protection sa Banal na Misa para sa Kapistahan ni San Floriano sa BFP National Headquarters sa Quezon City. Ayon kay Cardinal Advincula, ang pagsasakripisyo at paninindigan

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Maging kasangkapan ng pag-asa at pagbabago, panawagan ng simbahan sa mamamayan

 3,148 total views

 3,148 total views Hinihikayat ng simbahan ang mga mananampalataya na maging kasangkapan ng pag-asa at pagbabago sa pagdiriwang ng Laudato Si’ Week ngayong taon. Kasabay ng pagdiriwang sa Linggo ng Pentekostes ay muling pangungunahan ng Laudato Si’ Movement, sa tulong ng Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development, ang pagdiriwang sa Laudato Si’ Week mula May

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Archdiocese of Cebu, nakiisa sa pananalangin ng ulan

 4,235 total views

 4,235 total views Maliban sa english at tagalog version, isinalin din sa Cebuano ang inilabas na Oratio Imperata Ad Petendam Pluviam ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa pagkakaroon ng ulan sa gitna ng tagtuyot. Nakikiisa ang Archdiocese of Cebu sa panawagan ng CBCP-Episcopal Commission on Liturgy sa sama-samang pananalangin upang magkaroon ng ulan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

CBCP, nanawagan ng pag-usal ng Oratio Imperata

 4,344 total views

 4,344 total views Dulot na rin ng patuloy na nararanasang init ng panahon, hinimok ng Catholic Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pag-usal ng Oratio Imperata upang hingin ang pagkakakaroon ng ulan. Ang Oratio Imperata Ad Petendam Pluviam ay paanyaya para sa sama-samang pananalangin upang magkaroon ng ulan at maibsan ang matinding init dulot ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese ng Imus magsasagawa ng Oratio Imperata laban sa El Niño

 4,662 total views

 4,662 total views Hinikayat ng Diocese of Imus ang mga mananampalataya na taimtim na manalangin laban sa lumalalang init ng panahon dulot ng El Niño Phenomenon. Sa liham sirkular, ipinag-utos ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang pag-usal ng Oratio Imperata sa mga Banal na pagdiriwang sa mga parokya at pamayanan, at hilingin ang pagkakaroon ng ulan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Manggagawa: Naway maging kasangkapan sa pangangalaga ng mundo

 3,925 total views

 3,925 total views Hinimok ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mga mananampalataya, lalo na ang mga manggagawa, na maging kasangkapan sa pagpapahalaga at pangangalaga sa lahat ng nilalang ng Diyos. Ayon kay Bishop Mallari, ipinapaalala ng Diyos sa lahat na ang bawat paggawa ay halimbawa ng pakikiisa sa kakayahang maglalang ng Maylikha. Ang

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

EJK memorial site, pormal ng binuksan

 5,649 total views

 5,649 total views Pinasinayaan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation, Inc. ang kauna-unahang Extra-judicial killing (EJK) memorial site sa bansa na matatagpuan sa loob ng La Loma Catholic Cemetery, Caloocan City. Pinangunahan ni AJ Kalinga Foundation Inc. Founder at President, Fr. Flavie Villanueva, SVD at Diocese of Kalookan Vicar General Fr. Jerome Cruz ang pagpapasinaya at pagbabasbas

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan, hinimok ng Obispo na ipagdasal ang pagkakaroon ng ulan

 6,211 total views

 6,211 total views Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Abet Uy ang mga mananampalataya na manalangin para sa pagkakaroon ng ulan upang maibsan ang nararanasang matinding init ng kapaligiran. Ayon kay Bishop Uy, hindi lamang tao ang nagdurusa sa nararanasang matinding init ng panahon, kun’di maging ang mga hayop at halaman. Binigyang-diin ng obispo na hindi pagmamay-ari ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Bayombong, umaasang tugunan ng Bayombong-RTC ang petisyon laban sa OGPI

 10,117 total views

 10,117 total views Hinihiling ng opisyal ng Diocese of Bayombong na masusundan pa ang mga hakbang upang mapigilan at mapahinto ang mapaminsalang pagmimina sa Nueva Vizcaya. Ayon kay Diocesan Social Action Director, Fr. Christian Dumangeng, maituturing na tagumpay ang maipasa sa Bayombong Regional Trial Court ang Petition for Certiorari upang bawiin ang Financial or Technical Assistance

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top