30,933 total views
Tiniyak ng Pontifical University of Santo Tomas ang patuloy na paghuhubog sa mga kabataan sa krisitiyanong pamamaraan.
Ito ang pahayag ni UST Communications Bureau Director Philippe Jose Hernandez sa ginanap na Paskuhan Concert ng institusyon nitong December 21.
Ayon kay Hernandez na bagamat kinasasabikan ng mga estudyante ang mga programa ay pinalalahanan nitong si Hesus ang tunay na diwa ng pasko.
“Even if Paskuhan is oftentimes remembered by, especially ng Thomasians na uma-attend they would think of fireworks and concerts and other celebratory things, one commitment that the university will always make is that it will always start and ends with the Lord,” pahayag ni Hernandez sa Radio Veritas.
Ibinahagi ng opisyal na sinimulan ang Paskuhan season noong December 1 sa temang ‘Witnessing the Joy of Christmas’ sa pagdiriwang ng Banal na Misa at pagbabasbas kasabay ng pagpailaw ng Christmas lights and decor sa paligid ng unibersidad.
Aniya tulad ng paalala ng Dominican Fathers, mga guro at mga tagapaghubog ng UST sa kabataan na lahat ng pagdiriwang ay biyayang ipinagkaloob ng Diyos.
Ayon pa ni Hernandez na ang Paskuhan ay pasasalamat sa Diyos sa lahat ng biyaya at tagumpay na nakamit ng mga estudyante at ng buong unibersidad sa taong 2023 kasabay ang pagtiyak na ipagpatuloy ang gawain bilang bahagi ng tradisyon ng UST.
“It’s a way of continuing and spreading Thomasian culture, I think apart from rigorous academic formation, research formation, ang isang balik balikan ng estudyante sa kanyang campus are the happy memories kasi yung kapwa mo estudyante ang support system mo, and that sense of bonding balances the formation that we provide so it’s like milestones in their student journey to be here,” ani Hernandez.
Ilan sa mga gawain ng Paskuhan season ang Paskuhan Gift-giving ng UST SIMBAHAYAN Office for Communtiy Development kung saan ipinamahagi sa mga benepisyaryo sa tulong ng Agapae para sa mga Kamanlalakbay ngayong Pasko o AKaP; Sambahaginan para sa mga kawani ng UST; Kaparokya para sa mga naglilingkod sa Santisimo Rosario Parish, gayundin ang Kasama sa maAGAP na aksyon at Payo o KAAGAPAY para sa sectoral groups.
Sa pagtapos ng Paskuhan season kabilang sa mga nagtanghal ang mga nanalo sa Tunog Tomasino 2023, Thomasian Bands na Kler, Benchfly at MIMOSA gayundin ang grupong BINI, Cup of Joe, Hey Jace, Lola Amour, Oh Stella! Adie, at Lilly.