Pastoral Care Committee ng Lung Center of the Philippines, patuloy na nakikilakbay sa mga may karamdaman

SHARE THE TRUTH

 8,620 total views

Tiniyak ng Pastoral Care Committee ng Lung Center of the Philippines sa pamumuno ni Chaplain Fr. Almar Roman, M.I. ang patuloy na paglingap sa pangangailangan ng mga may karamdaman.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ni St. Therese of the Child Jesus ang patrona ng ospital, binigyang diin ni Fr. Roman ang pagsasagawa ng mga programang makatutulong sa espiritwalidad ng mga pasyenteng naka-confine sa pagamutan.

Sinabi ng pari na mahalaga ang paglingap sa mga maysakit upang maibsan ang mga dalamhating naramdaman dahil sa iniindang sakit gayundin sa pagbabahagi ng habag, awa at pag-ibig ng Panginoon sa mga nahihirapan.

“Ang Pastoral Care Committee sa pangunguna ng inyong lingkod ay laging tumututok sa espiritwal na pangangailangan ng mga maysakit, bumibisita sa kanila, nagdarasal sa kanila, nagbibigay ng huling sakramento o pagpahid ng banal na langis upang maramdaman nila yung pagkalinga’t pagmamahal ng Diyos,” pahayag ni Fr. Roman sa Radio Veritas.

Sinabi ng pari na ang kapistahan ni St. Therese ay paalala sa mga maysakit lalo na ang may karamdaman sa baga na nakikilakbay ang Panginoon na nagbibigay hilom sa bawat isa.

Aniya, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga maysakit sapagkat ang Diyos ang lunas na umaagapay sa anumang pagkakataon.

“Paalala lagi sa mga maysakit lalo na rito sa Lung Center of the Philippines na laging kumapit sa Diyos anumang nararamdaman, anumang sakit na pinagdaraanan sapagkat ang Diyos ang maghihilom sa kanilang karamdaman at laging nariyan sa oras ng kanilang nararamdamang sakit, hinding hindi sila pababayaan at lagi silang sasamahan,” ani Fr. Roman.

Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang katuwang si Fr. Roman kasama ang iba pang bisitang pari lalo na ang Camillian missionaries na pangunahing gawain ang pagkalinga sa mga maysakit.

Umaasa si Bishop Ongtioco na tularan din ng iba pang institusyon ang gawain ng LCP na pagpapahalaga sa mga espiritwal na gawain at pagpaparangal sa mga banal na tumutulong sa pananalangin sa mga may karamdaman.

“Sana ang ibang institusyon ay matuto rin po sa Lung Center na they see the importance of saints in their lives, ang mga banal na tumutulong sa atin na maging matatag tayo, may pag-asa sa buhay anuman ang mangyayari dahil mayroon tayong Diyos Amang nagmamahal at kumakalinga,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Ikinalugod ng obispo ang mahigit dalawang dekadang pamimintuho at pagpaparangal ng LCP kay St. Therese lalo’t ang ospital ay kumakalinga sa mga maysakit sa baga tulad ng karanasan ng santo.

Dumalo sa pagdiriwang ang mga opisyal at kawani ng LCP sa pangunguna ni Director Vincent Balanag Jr. gayundin ang mga kinatawan ng karatig ospital.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 81,427 total views

 81,427 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 92,431 total views

 92,431 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 100,236 total views

 100,236 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 113,434 total views

 113,434 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 124,851 total views

 124,851 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 12,637 total views

 12,637 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top