Obispo ng Batanes, nanawagan ng tulong para sa mga biktima ng Super Typhoon Julian

SHARE THE TRUTH

 9,203 total views

Umapela ng pagtutulungan si Batanes Bishop Danilo Ulep para sa mga lubhang naapektuhan ng Bagyong Julian sa lalawigan.

Ibinahagi ng obispo na lubhang napinsala ng malakas na hangin at pag-ulan ang malaking bahagi ng Batanes makaraang isailalim sa Signal Number 4 nitong September 30 kung saan naitala ng PAGASA ang pagbugso ng hanging aabot sa 215-kilometro kada oras.

Tiniyak ni Bishop Ulep sa nasasakupang mamamayan ang pagkakaisa upang mapagtibay ang mga hakbang tungo sa pagbangon mula sa kalamidad.

“It is during this time of crisis that I exhort each one of you in order for us to join hands together and prove that in the spirit of Synodality, we journey together in rebuilding opur shattered lives especially during this moments,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ulep.

Ibinahagi ng obispo na maging ang mga simbahan sa lalawigan ay napinsala rin ng bagyo gayundin ang Clergy House, residensya ng obispo, at ang St. Dominic College.

Dalangin ni Bishop Ulep ang kaligtasan ng bawat isa sa kabila ng matinding hamong kakaharapin lalo na ang rebuilding efforts sa mga nawalan ng tahanan at nasirang gusali.

“Let us share our time, talent and treasure to anyone who is badly in need of help. Let us all put into action our famous and rich tradition/practice,” ani Bishop Ulep.

Sa mga nais tumulong sa prelatura maaring magdeposito sa Landbank Basco Branch Account Name: Prelature of Batanes, account number 1081-0502-08, sa Gcash Account Danilo Ulep 0917-578-0198, at Edilbert Concordia 0949-465-3918.

Paalala ng obispo na ipadala ang proof of donation sa [email protected] para sa proper acknowledgement ng inyong mga tulong at maiwasan din ang mga mapanamantalang indibidwal.

Patuloy humiling ng panalangin si Bishop Ulep para sa katatagan at kahinahunan ng mga biktima ng Supertyphoon Julian na nanalasa sa Northern Luzon lalo na sa Batanes.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,911 total views

 24,911 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,916 total views

 35,916 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,721 total views

 43,721 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,276 total views

 60,276 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 76,005 total views

 76,005 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 2,050 total views

 2,050 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top