Patuloy na pagbibenta ng skin whitening products, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,079 total views

Binatikos ng EcoWaste Coalition ang patuloy na pagbebenta ng mga ilegal na produktong pampaputi at pampaganda ng balat na mapanganib sa kalusugan.

Ayon kay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, ang patuloy na paggawa, pag-aangkat, at pagbebenta ng mga nakalalasong produktong may mercury ay nakakabahala at hindi katanggap-tanggap para sa kapakanan at kaligtasan ng kalusugan ng publiko.

Sinabi ni Lucero na sa kabila ng pagsisikap ng Food and Drug Administration at mga environmental health group, patuloy pa rin ang pagpasok ng mga nakalalasong produkto na mapanganib sa kalusugan at kapaligiran.

“Law enforcement needs to be strengthened nationally and across borders to deal with this toxic menace,” pahayag ni Lucero.

Batay sa huling pagsusuri ngayong Enero, na itinalaga bilang Zero Waste Month, natuklasan ng grupo ang 584 parts per million (ppm) ng mercury sa produktong Aura White Night Cream Intensive Whitening Facial Cream na binili mula sa isang online seller sa halagang ₱265.

Sa ilalim ng ASEAN Cosmetic Directive, ang mercury bilang heavy metal contaminant ay hindi dapat lumagpas sa one (1) ppm.

Ipinaliwanag naman ni Lesley Onyon, Chemical Safety and Health Unit head ng World Health Organization (WHO) Department of Environment, Climate Change and Health, na ang pinsalang dulot ng mercury salts sa skin lightening products ay hindi lamang limitado sa balat, kundi maaari ring makapinsala sa kidneys at nervous system, at maiuunay sa pagkakaroon ng anxiety, depression, at psychosis.

Dagdag pa ng opisyal ng WHO, na bukod sa gumagamit ng produkto, maaari ring maapektuhan ng mercury ang kalikasan.

“For example, when creams or skin-lightening soaps are washed off…There is a significant danger of methylmercury bioaccumulation in fish which, when eaten, can impact children’s neurological development. So, while skin lightening may be a personal choice, it has an impact on others,” ayon kay Onyon.

Muli namang hinikayat ng EcoWaste Coalition ang publiko na higit na pahalagahan at yakapin ang likas na kulay ng balat at huwag magpadala sa mapanganib na kemikal na pampaputi.
Nakasaad sa Katuruang Panlipunan na bagamat sang-ayon ang simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang matiyak na ang negosyo nito’y walang masamang epekto sa kalusugan ng tao at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 52,384 total views

 52,384 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 85,466 total views

 85,466 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 113,817 total views

 113,817 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 181,549 total views

 181,549 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 201,049 total views

 201,049 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top