Patuloy na pagkilos laban sa katiwalian, panawagan ni Bishop Bagaforo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,653 total views

Nanawagan si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ng patuloy na pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng mamamayan laban sa lumalalang katiwalian sa bansa.

Sa mensahe sa Radyo Veritas ni Bishop Bagaforo na isa ring convenor ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) na nag-organisa sa naganap na Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument, ay binigyang-diin ng Obispo na mahalaga ang sama-samang pagtindig ng taumbayan para sa pagbabago at pagpuksa sa katiwalian na maituturing na “salot ng lipunan.”

Ayon kay Bishop Bagaforo, dapat na manatili ang pag-asa sa puso ng bawat isa na magkaroon ng kaliwanagan ang puso at isip ng mga lingkod bayan laban sa sistematikong korapsyon at para sa mabuting pamamahala sa bansa.

“Ang pag-asa natin ay of course ang ating mga kabataan, ang pag-asa natin ay sana magkaroon ng enlightenment ang ating mga leaders pero ang higit sa lahat ang pag-asa natin ay kung tayo ay sama-samang kikilos, magkaisa para sa pagbabago at para mapuksa at mawala na itong corruption na salot ng ating lipunan.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Ayon sa CLCNT, layunin ng naganap na Trillion Peso March na manawagan ng pananagutan, katarungan, at katapatan mula sa mga namumuno sa pamahalaan, at palakasin ang tinig ng bayan laban sa kultura ng katiwalian at kawalan ng pananagutan.

Batay sa inisyal na pagtataya, umabot sa humigit kumulang 30,000 ang nakibahagi sa naganap na Trillion Peso March bukod pa sa iba’t ibang mga pagkilos na isinagawa sa iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa bilang pakikiisa sa National Day of Protest Against Corruption noong Linggo ika-21 ng Setyembre, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 26,203 total views

 26,203 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 200,137 total views

 200,137 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 177,770 total views

 177,770 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 240,935 total views

 240,935 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 258,782 total views

 258,782 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top