10,480 total views
Patuloy na hinihikayat ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mga mananampalatayang Filipino na patuloy na ipanalangin ang Kaniyang Kabanalan Francisco.
Araw ng Linggo, nang lumabas na mula sa Gemelli Hospital sa Roma ang Santo Papa makalipas ang higit sa isang buwang pananatili sa pagamutan dulot ng bilateral pneumonia.
Ayon sa nuncio ang paglabas ng Santo Papa ay tugon sa dasal ng mga napakaraming taong humiling ng kaniyang paggaling mula sa karamdaman.
“We can say really our prayers are answered because the first days were really dangerous. His life was in danger. And then thanks be to God because of all of the prayers throughout the world especially here in the Philippines, he gradually improved and was able to return to Vatican City,” ayon kay Archbishop Brown sa programang Pastoral visit-on-the-air ng Radyo Veritas.
Noong Linggo, Sa kauna-unahang pagkakataon, nasilayan ng publiko si Pope Francis mula sa balkonahe ng pagamutan at nagbigay ng pagbabasbas sa mga nagtipon na mananampalataya.
“However, he is still frail and requires continued prayers. If you watch the video of his release, you’ll notice that he is not yet fully healed and is even coughing. Pneumonia can be aggressive, especially for someone of his age and condition, so we must keep praying for his complete and speedy recovery,” ayon pa sa kinatawan ng Holy See.
Pag-alis ng ospital, nagtungo ang Santo Papa sa Basilica of Mary Major upang manalangin sa imahen Maria Salus Populi Romani, bilang tanda ng kanyang pasasalamat sa proteksyon at pangangalaga ng Mahal na Birhen.
Una na ring nagpasalamat si Pope Francis sa mga doktor, kawani at pamunuan ng Policlinico Agostino Gemelli sa kanilang pag-aalaga sa kaniyang kalusugan.
Ayon sa mga opisyal ng ospital, ipagpapatuloy ni Pope Francis ang kanyang paggagamot sa kanyang tirahan sa Casa Santa Marta sa loob ng dalawang buwan at kakailanganin ang patuloy na oxygen therapy habang nagpapagaling.