Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Patuloy na pananalangin para sa kapayapaan, panawagan sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 20,367 total views

Nanawagan ang dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng patuloy na pananalangin para sa kapakanan at kabutihan ng bansa.

Ito ay kaugnay na rin sa pagtatapos ng 50-Day Rosary Campaign for Peace, bilang panalangin ng sambayanan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, bagamat nagtapos na noong August 15, ang 50-araw na Rosary campaign ay hindi dapat na magtapos ang pagdarasal ng bawat isa para sa pagpapanatili ng kapayaan ng bansa.

“We have come to the final day of our prayer campaign, but we must not stop. I encourage you to keep on praying beyond August 15. Pray without ceasing. Pray every day.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Villegas.

Paliwanag ng Arsobispo, mahalagang patuloy na magkaisa ang bawat Pilipino sa pananalangin at pagsusumamo sa Panginoon na tuwinang gabayan, at pangalagaan ang bansa sa kaguluhang dulot ng inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ng arsobispo; “Thank you for praying. Thank you for praying the rosary. Thank you for reaching out to the poor with acts of mercy. Thank you for loving one another. Our love for Our Lady is translated by praying for our country, especially for peace. At Fatima, Our Lady promised peace for the world if we pray and do penance.”

Una ng inihayag ng Arsobispo na ang pag-usal ng Santo Rosaryo ay isang paraan upang maipaabot ng bawat Filipino ang pasasalamat, at pagsusumamo sa Panginoon sa pananaig ng katarungan, katotohanan at kapayapaan kaugnay sa soberenya ng Pilipinas.

Nagsimula ang 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa West Philippines Sea noong June 27-kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo at nagtapos ng August 15 kasabay ng Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 120,284 total views

 120,284 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 128,059 total views

 128,059 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 136,239 total views

 136,239 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 151,078 total views

 151,078 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 155,021 total views

 155,021 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 1,422 total views

 1,422 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 26,651 total views

 26,651 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 27,333 total views

 27,333 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top