Archdiocesan assembly on Migrants, ipinag-utos ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 11,000 total views

Magsasagawa ng Archdiocesan Assembly ang Migrants Ministry ng Archdiocese of Manila bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng World Day of Migrants and Refugees (WDMR), National Migrant’s Sunday (NMS), at National Seafarers Day (NSD).

Sa inilabas na sirkular, hinihikayat ng Archdiocese of Manila Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (ACMI) ang mga parokya na magpagdala ng dalawang kinatawan na magsisilbing coordinators para sa gaganaping pagtitipon.

Isasagawa ito sa August 31, 2024 sa Sacred Heart of Jesus Parish sa Santa Mesa, Manila mula alas-8:30 ng umaga hanggang ala-una ng hapon.

Nilalayon ng pagtitipon na higit na bigyang-pansin ang pagpapahalaga sa mga overseas filipino workers na piniling makipagsapalaran at iwan ang mga pamilya upang makapag-hanapbuhay.

Inaasahang tatalakayin sa assembly ang Retooling Seminar for the Parish Migrants Ministry Formation; pang-arkidiyosesanong paghahanda para sa pandaigdigan at pambansang pagdiriwang para sa mga migrante at mandaragat; at migration updates mula sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ipagdiriwang sa September 29, 2024 ang ika-110 World Day of Migrants and Refugees, kung saan napiling tema ng Kanyang Kabanalan Francisco ang “God walks with His people”, na nangangahulugang ang bawat isa ay mga alagad ng Diyos, at sama-samang naglalakbay patungo sa kaharian ng langit.

Sa mga dadalo sa Archdiocesan Migrants Ministry Assembly, ipadala lamang ang mga pangalan sa email na [email protected] o magpadala ng mensahe sa numerong 0917-895-1961.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,733 total views

 9,733 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 24,377 total views

 24,377 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,679 total views

 38,679 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 55,440 total views

 55,440 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,804 total views

 101,804 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top