Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalingain ang mga maysakit, Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 9,396 total views

Hinimok ni Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga mananamapalataya na paigtingin ang pakikiisa sa mayroong mga karamdaman.

Ito ang mensahe ng kinatawan ng Vatican sa pinangunahang misa sa San Roque De Manila Parish bilang paggunita sa dakilang kapistahan ni San Roque.

Ayon kay Cardinal Tagle, mahalagang malaman ng lipunan na ang sakit ay hindi lamang makikita sa pisikal, maari din ito maranasan ng bawat isa sa kanilang puso o isip.

Upang mabisang matulungan ang mga mayroong kagayang sakit, ipinaalala ni CArdinal Tagle ang pagpapakumbaba magpakumbaba ng mga mananamapalataya at samahan sila tungo sa paggaling upang tunay na maghilom ang mga pisikal, puso at pang isipang sakit na nararanasan.

“Ito ang ganda ng pag-ibig ni Hesus at pag-ibig ni San Roque. Hangga’t tayo po ay dala ng pag-ibig, hindi lamang tayo tutulong kundi tayo ay magiging kaisa ng ating tinutulungan. Sana madagdagan ang mga katulad ni Hesus at ang susunod kay Hesus tulad ni San Roque. Kapag napakaraming umiibig, ang mga may karamdaman, natutuwa ang pakiramdam, at ‘yung namamalaging sakit sa lipunan, mababawasan, baka mawala,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Nagpapasalamat naman si Father Benjo Fajota – Parish Priest San Roque De Manila Parish sa masaganang pagdiriwang ng dakilang kapistahan ni San Roque sa parokya.

Ito ay matapos pangunahan ni Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang misang inialay para sa kapistahan ng Santo kasama si Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio.

Ipinarating din ng pari ang pasasalamat sa mga parokyano na nakiisa sa mga paghahanda at pagdiriwang ng kapistahan.

“Nagpapasalamat po tayo sa Diyos sa lahat ng biyaya na patuloy na pinagkakaloob po sa ating parokya, sa mga parokyano po, sa mga daily or weekly or regular mass-goers po natin, sa atin pong mga volunteers, sa iba’t-ibang mga ministries at organizations, ‘no? Nabiyayaan po tayo ng mga aktibong mga youth, servant leaders dito po sa ating parokya. At syempre po, naparangalan po tayo ng presensya ng ating kabunyian, dating Arsobispo Emeritus ng Manila, si Cardinal Luis Antonio G. Tagle na kararating lamang po nung isang gabi at napaunlakan po tayo. Nagdiwang po siya ng ating fiesta mass kasama po ang Most. Rev. Oscar Jaime Florencio ng Military Ordinary of the Philippines,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Fajota.

Mensahe ng Pari na ipagpatuloy ang pagdedebosyon kay San Roque upang higit na magkaroon ng pamamatnubay sa pagtulong sa mga pinakanangangailangan sa lipunan.

Ayon pa ka Fr.Fajota, higit sa mga ito ay ang pagtulong sa may mga karamdaman katulad ng naging misyon ni San Roque na pagalingin ang mayroong may karamdaman.

“Yung punto niya (Cardinal Tagle) na ang ating pagmamalasakit ay pakikiisa sa karamdaman ng mismong ating mga kapatid na ihatid po natin ang mabuting balita sa kanila, ‘yung pagmamahal natin sa kanila ay makatutulong sa kanilang paghilom, pagpapagaling ng kanilang mga karamdaman. ‘Yun po ang ating hinahangad para sa ating mga parokyano,” bahagi pa ng panayam kay Fr.Fajota.

Si San Roque ay ang patron laban sa mga salot at pandemya na buong pusong ini-alay ang buhay sa paglilingkod sa kapwa at sa Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 32,153 total views

 32,153 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 82,716 total views

 82,716 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 29,726 total views

 29,726 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 87,896 total views

 87,896 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 68,091 total views

 68,091 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Jerry Maya Figarola

Sustainable future ng mahihirap na Pilipino, tinututukan ng Caritas Manila

 346 total views

 346 total views Tiniyak ng Caritas Manila na hindi lamang sa pagtulong sa mga mahihirap natatapos ang tungkulin ng social arm ng Archdiocese of Manila. Inihayag ni Fr.Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila na natuon ang institusyon sa “sustainable future” at hindi dole-out. Tinukoy ng Pari ang matatag na Caritas Damayan Program na mabilis

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

EILER, dismayado sa mababang wage hike

 838 total views

 838 total views Nanindigan ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) na hindi sapat ang mabagal at mababang wage hike na ipinapatupad sa magkakaibang rehiyon sa bansa. Inihayag ng EILER na ang mababang wage hike ay hindi makasabay sa mabilis na inflation rate na pinapataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. Ayon

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Pagbuwag sa Provincial at Regional Tripartite and Productivity Board, iminungkahi ng Simbahan

 860 total views

 860 total views Nanindigan si Fr.Erik Adoviso – Minister ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern na kinakailangan ng manggagawa na magkaroon ng iisang national minimum wage. Tinukoy ng Pari ang patuloy na nararanasang mataas na inflation rate ng mga manggagawang Pilipino na nagpapataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa buong Pilipinas. Nangangamba

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Equal pay ng babae at lalaki, panawagan ng CBCP-Office on Women sa pamahalaan

 1,287 total views

 1,287 total views Hinamon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Office on Women ang pamahalaan sa pantay na sahod at benepisyo ng mga kababaihan. Ito ang panawagan ni Marichi De Mesa – Executive Secretary ng CBCP Office on Women sa paggunita ng International Day of Equal Pay sa September 18. Ayon kay De Mesa,

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Pantay na sahod at benepsisyo, panawagan ng CBCP-Office on Women sa pamahalaan

 1,776 total views

 1,776 total views Isinusulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Office on Women ang karapatan ng kababaihan upang matanggap ang pantay na sahod at benepisyo. Ito ang panawagan ni Marichi De Mesa – Executive Secretary ng CBCP Office on Women sa paggunita sa September 18 ng International Day of Equal Pay. Ayon kay De

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Pangangalaga sa spirituality ng ROTC cadets, tiniyak ng Philippine Army Chaplaincy

 1,875 total views

 1,875 total views Tiniyak ng Philippine Army Chaplaincy ang pangangalaga sa espiritiwal na pangangailangan ng mga estudyanteng napapabilang sa mga Reserve Officers’ Training Corps (ROTC). Personal na binibisita at nagdaraos ng banal na misa ni Army Chief Chaplain Col. Roy L. Onggao sa mga ROTC Cadet upang mapalalim at mapatatag ang kanilang panananmpalataya. Huling nagdaos ng

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

LASAC, nangangailangan ng suporta

 2,508 total views

 2,508 total views Nanawagan ang Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) sa mga mananampalataya na makiisa sa Adopt-a-child Scholarship Project. Ayon kay Paulo Ferrer – LASAC Program Officer, sa pamamagitan ng programa napapaaral ng buong school year ang mahihirap na benepisyaryong mag-aaral sa elementary at high school sa halagang 1,500-pesos. “Ang Adopt-a-Child Scholarship Project ng LASAC

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila, kinilala ng Metrobank

 4,579 total views

 4,579 total views Tinanggap ng Caritas Manila ang pagkilalang George S.K. Ty Grant mula sa Metrobank Foundation, Inc. (MBFI) at GT Foundation, Inc. (GTFI). Sa awarding ceremony na mayroong temang “Engaging Partnerships, Empowering Communities,” tinanggap ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at ni Gilda Garcia – Caritas Manila Damayan Program Officer

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Ipatupad ang “equal pay”, hamon ng women’s group sa pamahalaan

 5,212 total views

 5,212 total views Umaapela AMIHAN Woman’s Peasant Group (AMIHAN) at BANTAY BIGAS sa pamahalaan na dinggin ang hinaing ng mga manggagawa sa wastong pasahod. Ayon kay Cathy Estavillo – secretary general ng grupo, tuwing ika-18 ng Setyembre ay ginugunita ang International Day of Equal Pay’ na bigong maipatupad ng mga nagdaang administrasyon. Bukod sa pagsusulong ng

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Alyansa ng Pilipinas at India, pinagtibay

 5,368 total views

 5,368 total views Tiniyak ng Pilipinas at India na nananatiling matibay ang alyansa ng dalawang bansa. Naisakatuparan ang renewal ng defense cooperation ties sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Indian Armed Forces sa katatapos na 5th Joint Defense Cooperation Committee (JDCC). Bumuo ang magkabilang panig ng mga resolusyon at programa upang mapatatag

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nakaalalay sa Filipino migrants,OFWs at seafarers

 5,967 total views

 5,967 total views Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang tuloy-tuloy na pagtulong sa mga Filipino Seafarers at Overseas Filipino Workers. Ayon kay CBCP-ECMI Executive Secretary Father Roger Manalo, ito ay bahagi ng mga pastoral care ng simbahan na bukod sa tinutulungan ang mga OFW

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

Kabutihan ng yumaong si Bishop Emeritus Martirez, inalala

 4,665 total views

 4,665 total views Nagsilbing Ama na ginabayan ang mga batang pari at seminarista ang yumaong si San Jose de Antique Bishop Emeritus Raul Martirez sa Christ the King Parish, Green Meadows Quezon City. Ito ang pag-alala ng dating Kura Paroko ng Saint John Paul II Parish Father Jose ‘Bong’ Tupino III sa yumaong Obispo. “Siya yung

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Lumabas sa comfort zone, hamon ng Pari sa mamamayan

 7,850 total views

 7,850 total views Hinikayat ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila ang mamamayan na lumabas sa mga ‘comfort zone’ o mga nakagawiang ginhawa sa buhay upang makita at matulungan ang mga nangangailangan. Ito ang mensahe ng Pari na siya ring Pangulo ng Radio Veritas sa paggunita ng International Day of Charity tuwing

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

True charity is beyond dole-outs

 8,212 total views

 8,212 total views Nakikiisa ang Caritas Philippines sa paggunita International Day of Charity tuwing September 05. Tiniyak ni Jing Rey Henderson – Head of National Integral Ecology Program ng Caritas Philippines na ipagpatuloy ng advocacy arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga programa na magpapataas sa antas ng pamumuhay ng mga mahihirap. Tinukoy

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Kapabayaan ng pamahalaan, pinuna ng ICRC

 8,485 total views

 8,485 total views Nanawagan ng suporta sa pamahalaan ang International Committee of the Red Cross (ICRC) para sa mga pamilyang patuloy na hinahanap ang mga nawalang kamag-anak sa Marawi Siege noong 2017. Nagtipon sa Iligan City ang mga taong nawalan ng mahal sa buhay upang alahahanin ang mga nasawi at nawawalang biktima ng Marawi siege pitong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top