Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pfizer Bio NTech vaccine, tanging COVID 19 vaccine nabigyan ng full authorization ng US FDA

SHARE THE TRUTH

 469 total views

Hindi na saklaw ng COVID-19 vaccine indemnification fund ang mga makakaranas ng adverse reaction kapag ang bakuna ay mayroon nang full authorization mula sa Philippine Food and Drug Administration (FDA).

Ang indemnification fund na nagkakahalaga ng P500-milyon ay ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa mga indibidwal na naospital o nasawi dahil sa epekto ng COVID-19 vaccine.

“Kapag mayroon nang full [authorization] ang bakuna at ika’y nagkaroon ng side effects, sagutin mo na ‘yon. Hindi na ‘yan sagutin ng gobyerno at ng drug company kasi may full approval na [ang bakuna] na safe ‘yung produkto,” pahayag ni health reform advocate Dr. Tony Leachon sa panayam sa Veritas Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Leachon, dating special adviser ng National Task Force Against COVID-19 na kapag ginawaran na ng full authorization ang COVID-19 vaccine ay pasado ito na ligtas at epektibong panglunas laban sa virus.

Sa kasalukuyan, EUA pa lamang ang iginagawad ng FDA sa siyam na COVID-19 vaccine brand, kabilang ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, Sputnik V, Janssen, Covaxin, Moderna, Sinopharm, at Covovax.

nito lamang Agosto ay nakatanggap na ng full approval mula sa United States FDA ang Pfizer BioNTech vaccine na pinangalanan na ngayon sa merkado bilang Comirnaty.

Inaasahan naman ng Philippine FDA na sa unang bahagi ng 2022 ay magkakaroon na rin ng full authorization ang COVID-19 vaccine sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,285 total views

 70,285 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,280 total views

 102,280 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,072 total views

 147,072 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,047 total views

 170,047 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,445 total views

 185,445 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,082 total views

 9,082 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,298 total views

 6,298 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top