Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Philippine Columban Missionaries, nagdiwang ng ika-90 taon

SHARE THE TRUTH

 349 total views

Nagdiwang ng ika-90 taon ang Missionary Society of St. Columban o MSSC Philippines ngayong ika-30 ng Mayo.

Ibinahagi ng grupo ang karanasan ng mga unang misyonerong pari na dumating sa bansa at nakasaksi sa pinagdaanan ng mga mahihirap na Pilipino.

Sinariwa din ng mga Columban ang paglilingkod na inialay nito sa Pilipinas noong panahon ng Martial Law kung saan isang Columban Priest at anim na laykong misyonero ang inakusahan at ikinulong dahil sa pagtulong sa mga mahihirap.

“During the martial law years, the Columbans stayed with the people they served. Two Columban priests, together with a diocesan priest and six lay workers, were falsely accused and put into prison because of their work with the poor,” Bahagi ng pahayag ng MSSC Philippines.

Isinusulong din ng Columban Missionaries ang kapayapaan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano, sa kabila ng pagkakapaslang sa kanilang dalawang misyonero habang nakikipag-diyalogo sa Lanao del Sur.

Sa ika-90 taon ng Kongregasyon, tiniyak ng MSSC na magpapatuloy ang pagtulong nito sa mga mahihirap kasama na ang pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Sinabi ng MSSC na sa 90 taong paglilingkod nito sa Pilipinas, nakita nitong ang pagkasira ng kalikasan ang isa sa malalaking salik na nagdadala ng paghihirap sa bansa.

“Over the years, the Columban missionaries have realized that the system that creates and perpetuates poverty is also destroying planet Earth. Together with the people, they have protested and organized pickets against logging, and later on against mining. A priority of the Columbans is to care for our fragile planet as urged by the Catholic Bishops Conference of the Philippines’ 1988 pastoral letter, “What is Happening to Our Beautiful Land”, and by Pope Francis’ “Laudato Si’ On the Care of Our Common Home,” Bahagi ng pahayag ng MSSC Philippines.

hinimok ng mga Columban ang iba pang mananampalataya, lalo na ang mga kabataan na makiisa sa pamamagitan ng pagiging isang lay missionary o Columban Missionary priest.

Ika-30 ng Mayo, 1929 nang unang dumating ang Missionary Society of St. Columban sa Our Lady of Remedies Parish, Malate, Maynila.

Mula sa tatlong pari noong 1929, mayroon na ngayong 257 Columban Missionaries na naglilingkod sa 150 mga parokya at labintatlong mga Diyosesis sa buong Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 10,514 total views

 10,514 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 40,595 total views

 40,595 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 54,654 total views

 54,654 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 73,147 total views

 73,147 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 169,821 total views

 169,821 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 113,667 total views

 113,667 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567