2,643 total views
Hiniling ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang panalangin para sa mga Pilipinong pari na kasalukuyang nag-aaral sa Roma.
Kasabay nito pinasalamatan ni PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston ang mamamayang patuloy sumusuporta sa institusyon na kumakalinga sa mga Pilipinong pari na nag-aaral sa Holy See.
“We request all to pray for our students as they end their first semester exams and embark on their second semester next week. We thank all the Friends of the Collegiofor their prayers and generous support.” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.
Ibiinahagi naman ni Fr. Gaston na nagbuklod ang mga Pilipinong pari ng PCF sa pagdiriwang ng banal na misa sa Capella della Madonna delle Partorienti sa Vatican sa ika – 40 araw ng kamatayan ni Pope Benedict XVI.
Pinangunahan ni Fr. Randy Boquiren, Professor of Liturgy ng Pontifical University of the Holy Cross ang banal na pagdiriwang nitong February 9.
Ibinahagi ng pari na pinasasalamatan ng mga Pilipinong pari ang namayapang santo papa na malaki ang naging ambag sa simbahang katolika bilang Theologian mula ikalawang konsilyo ng Vatican noong 1960.
Si Pope Benedict XVI o Cardinal Joseph Ratzinger ay naging professor sa Germany at kalauna’y pinamunuan ang Congregation of the Doctrine of Faith ng Vatican.
Matapos ang misa ay dinalaw ng mga pari ang embahada ng Pilipinas sa Vatican kung saan malugod itong tinanggap ni Ambassador Myla Grace Macahilig.
“The Collegio has always maintained close ties with our Embassies to the Vatican and to Italy. This simply reflects the fact that the Church and State serve the same people, through from different approaches.” ani Fr. Gaston.
Iginiit ni Fr. Gaston ang pagpapaigting sa ugnayan ng simbahan at pamahalaan lalo na sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.