PNP Chaplain Service, nanawagan sa PNP uniformed at non-uniform personnel na makibahagi sa KASIMBAYANAN program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,119 total views

Nanawagan ang Philippine National Police – Chaplain Service sa mga kawani at mga opisyal ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na aktibong tumugon sa ipinatutupad na Internal Cleansing Campaign sa ahensya.

Ayon kay PNP – Chaplain Service Director, Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo, mahalaga ang pakikilahok ng bawat isa sa Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM) kasama ang mga Life Coaches at Squad Leaders gayundin ang mga Spiritual Community Advisers.

“Tayo ay nanawagan sa ating mga Kapulisan lalong lalo na ang mga Chiefs of Police natin to implement our Internal Cleansing Campaign lalo na sa ating Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM), ones a week magkaroon ng squadding kasama ang Life Coaches at Squad Leaders at sa ating KASIMBAYANAN na kasama lagi ang ating Spiritual Community Advisers (Faith Based Groups) sa pag implement nito down to our barangays for our people to have peace and harmony,” apela ni Ortizo.

Ipinaliwanag ni General Ortizo, na ang naturang hakbang ay bahagi ng KASIMBAYANAN program kung saan mahalaga ang papel na ginagampanan ng Spiritual Community Advisers mula sa iba’t ibang Faith Based Groups upang magabayan ang mga alagad ng batas sa kanilang matapat, maayos, at makataong pagsasakatuparan sa mandatong protektahan ang bayan.

Pinangangasiwaan ng PNP-Chaplain Service ang pagpapaigting sa revitalized KASIMBAYANAN Program ng PNP na naglalayong pagtibayin ang ugnayan ng mga pulis, kumunidad at ng mga faith-based groups para sa mas epektibong pagtiyak sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang pamayanan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,945 total views

 18,945 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,959 total views

 68,959 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,828 total views

 64,828 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,811 total views

 100,811 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,488 total views

 108,488 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top