Japan at Pilipinas, nagkasundo sa disaster response

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,815 total reads

Pinaigting ng Pilipinas at Japan ang pagtutulungan sa pagtugon tuwing makakaranas ng kalamidad ang dalawang bansa.

Ito tiniyak ni Department of National Defense Acting Secretary Carlito Galvez sa isinasagawang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Japan.

Ayon kay Galvez, sa pagdaraos ng limang araw na state visit ay nagkaroon siya ng pakikipag-dayalogo sa Japan Self Defense Forces (JSDF) hinggil sa mga disaster response na isinasagawa ng mga bansa.

“The said TOR (Terms of Reference) facilitates the conduct of HADR activities between the Armed Forces of the Philippines (AFP) and JSDF, where both armed forces could learn and exchange best practices on search, retrieval and rescue operations, and disaster response on the aftermath of natural and manmade disasters,” bahagi ng pahayag ng Armed Forces of the Philippines.

Nagpasalamat ang klihim kay Minister of State for Disaster Management and Ocean Policy Tani Kouichi sa patuloy na pag-agapay ng Japan sa Office of the Civil Defense na nangunguna sa Disaster Response ng Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga joint disaster response training.

Magugunitang matatagpuan ang Pilipinas at Japan sa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung kaya’t madalas makaranas ng mga natural na kalamidad.

Kaugnay sa Disaster preparedness, unang naging aktibo ang Caritas Manila sa pagtulong sa mga nasasalanta ng kalamidad hindi lamang sa Metro Manila kungdi pati narin sa iba pang lalawigan.

Sa pagsisimula ng pandemya noong March 2020 hanggang 2021 ay umabot sa 2-bilyong piso ang nailaang pondo ng Social Arm ng Archdiocese of Manila sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayang naapektuhan ng pandemya at nasalanta ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 5,432 total reads

 5,432 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 41,808 total reads

 41,808 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 98,214 total reads

 98,214 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 221,625 total reads

 221,625 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top