PMA, nagpapasalamat sa pagbibigay pugay ng Pangulong Duterte sa medical frontliners

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 791 total views

Nagpasalamat ang grupo ng mga healthcare worker sa bansa sa pagkilala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga doktor at nurse na itinuturing na mga medical frontliner, bilang mga “Bagong Bayani” ng kasalukuyang panahon na patuloy na naglilingkod sa kabila ng Coronavirus Pandemic.

Ayon kay Dr. Benito “Benny” Atienza, pangulo ng Philippine Medical Association, ikinagagalak ng buong pamunuan ang pagbati at pagkilala ni Pangulong Duterte sa mga frontliner na buong puso at tapang na isinakripisyo at iniaalay ang kanilang mga buhay upang mailigtas ang mga pasyenteng nahawaan ng virus.

“Nagpapasalamat po ang buong pamunuan ng Philippine Medical Association na may miyembrong 85-libong mga Doktor, sa ating Pangulong Rodrigo Roa Duerte sa kanyang pagkilala sa mga frontliners bilang mga “Bagong Bayani ” ngayong panahon ng COVID-19 Pandemic.

Sinabi ni Dr. Atienza na mas pagbubutihan pa ng grupo ang pagtulong sa pamahalaan lalo na sa Department of Health upang mabigyan na ng lunas ang nakahahawang sakit na COVID-19.

“Inaasahan po [na ang] pamunuan ng Philippine Medical Association ay tutulong po sa ating pamahalaan, lalung-lalo na sa DOH sa pagpapalaganap ng pagpapabakuna lalo na po ang kaalaman ng pagbabakuna ng COVID-19,” ayon kay Dr. Atienza sa panayam ng Radyo Veritas.

Ang pagkilala ni Pangulong Duterte sa mga medical frontliner ay kasabay ng paggunita sa ika-124 na anibersaryo ng pagkamatay ni Dr. Jose Rizal noong ika-30 ng Disyembre. Batay sa huling tala, umabot na sa mahigit 13-libo ang mga healthcare workers sa bansa ang nahawaan ng virus, habang nasa 12-libong katao ang naitalang gumaling at 76 na katao naman ang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,866 total views

 43,866 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,735 total views

 39,735 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,937 total views

 75,937 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,731 total views

 84,731 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,319 total views

 110,319 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top