Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

COVID free Philippines sa taong 2021, hiling ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 480 total views

Umaasa si Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na higit na pagpalain at biyayaan ng Panginoon ang bawat isa sa pagsisimula ng bagong taong 2021.

Ito ang bahagi ng panalangin at mithiin ng Obispo na siya ring National Director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines kaugnay sa pagtatapos ng 2020 na nabalot ng iba’t ibang mga pagsubok at hamon para sa bawat isa.

Sa mensaheng ipinaabot ni Bishop Bagaforo sa Veritas Patrol ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang 4 na hiling at panalangin para sa bagong taong 2021.

Kabilang sa mga panalangin ng Obispo ay ang matagumpay, masaya at makahulugang pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng Kristyanismo sa Pilipinas na mahigit siyam na taong pinaghandaan ng Simbahan sa bansa.

Panalangin rin ni Bishop Bagaforo ang ganap na pagiging matapat, makatao at maya-Diyos na sambayanang Filipino lalo’t higit ng pamahalaan upang higit na mangibabaw ang pagkakapantay-pantay at kasaganahan para sa lahat.



Binigyang diin rin ng Obispo ang mariing pagtutol sa mga isinusulong na DEATH Laws sa bansa na makasisira sa kasagraduhan ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat nilalang kabilang na ang divorce law, euthanasia, abortion at same sex marriage.

Sa huli ipinapanalangin ni Bishop Bagaforo ang tuluyang pagsugpo sa Coronavirus Disease 2019 pandemic sa bansa na nagdulot ng malawakang krisis hindi lamang sa kalusugan kundi maging sa ekonomiya at buhay ng bawat mamamayan.

Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo’s 4 wishes and prayers for new year 2021:

1. Matagumpay, masaya, makahulugan at banal na celebration of the 500 Year of Christianity.
2. Malinis, matapat, makatao at maka-Diyos na pamahalaan at Sambayanan.
3. Tutulan at tanggihan ang DEATH laws (divorce, euthanasia, abortion, total population control, homosexual marriages).
4. COVID free Philippines.

I pray fervently that God smiles on us this 2021.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 13,150 total views

 13,150 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 35,982 total views

 35,982 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 60,382 total views

 60,382 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 79,387 total views

 79,387 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 99,130 total views

 99,130 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 22,522 total views

 22,522 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Scroll to Top