COVID 19 pandemic, nagpatatag ng pananampalataya sa Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 842 total reads

Inihayag ng arsobispo ng Ozamiz na dapat ipagpasalamat pa rin sa Diyos ang lahat ng biyayang natanggap ngayong 2020.

Ayon kay Archbishop Martin Jumoad sa kabila ng negatibong epekto ng corona virus pandemic ay nanatiling malakas at ligtas ang karamihan mula sa nakahahawang sakit.

“We are now on New Year; inspite of everything we are very grateful to the Lord because the Lord has never abandoned us,” pahayag ni Archbishop Jumoad.

Binigyang diin ng arsobispo na ang karanasan at hamong kinaharap sa pandemya ay paraan ng Diyos upang mas mapatatag ang pananampalataya at higit kumapit sa Panginoon.

Kasabay ng pagpasok ng bagong taon, ipinagdiriwang din ng simbahan ang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos at ang ika – 54 na World Day of Peace.

Hinimok ni Archbishop Jumoad ang bawat isa na parangalan ang mga ina ng tahanan na patuloy ang paggabay sa buong pamilya katuwang ng mga ama.

Sinabi ng arsobispo na ang kapistan
ay pahiwatig na dapat na maging masunurin at pahalagahan ng tao ang kani-kanilang mga ina.

“In celebrating the motherhood of Mary as if we are also celebrating mothers’ day. We have also to respect and value our mother,” dagdag ng arsobispo.

Paghikayat pa ni Archbishop Jumoad sa mananampalataya na hingin ang tulong sa Mahal na Birhen sa pagharap ng mga suliranin sa buhay dulot ng mga karanasan sa kasalukuyang panahon.

Paalala din nito sa bawat isa paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa pamilya at sa kapwa upang matamo ang kapayapaan sa lipunan.



Iginiit nitong kung may pagkakaisa ang mamamayan ay makamit ang kapayapaan lalo’t higit sa bawat tahanan.

Aniya, nawa’y isabuhay ng tao ang mensahe ni Pope Francis sa World Day of Peace na dapat pangalagaan ang bawat isa sa pamilya bilang daan sa mapayapang lipunan.

“We have to lift up our hearts so that there will really peace in the family; caring each other in the family is one way of celebrating peace in the society,” ani Archbishop Jumoad.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 7,948 total reads

 7,948 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 62,201 total reads

 62,201 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 147,566 total reads

 147,566 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 194,303 total reads

 194,303 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 242,174 total reads

 242,174 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 343,066 total reads

 343,066 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top