PNoy sa 6 na taon sa puwesto, bigong pangalagaan ang kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 475 total reads

Bagsak ang ibinigay na grado ng Alyansa Tigil Mina sa naging performance ni Pangulong Benigno Aquino III matapos ang anim na taong panunungkulan nito sa bansa.

Ayon kay Jaybee Garganera, National Coordinator ng grupo, hindi tama ang naging pagpapatupad ng administrasyong Aquino sa Executive Order 79 na naging batayan ng grupo sa pagtimbang ng kabuuang panunungkulan ng Pangulo sa usapin ng pangangalaga sa kalikasan.

“Ikinalulungkot namin pero bagsak yung administrasyon, duon sa sukatan kung pinatupad ba nila or tama ba yung pagpapatupad nila dun sa mismong polisiya na sila yung naglabas.” Pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.
Aniya, bagamat may batas na nagbabawal at naglilimita sa mga mining companies upang hindi lubos na maapektuhan ng mga dumi nito ang kalikasan at ang komunidad na malapit dito, ay hindi ito nasunod ng mga kumpanya.

Dagdag pa ni Garganera, ang mga karagdagang proposal sa pagmimina na dapat nang ibasura ay inaprubahan pa ng administrasyon Aquino.

“Tulad nung contracts review saka performance evaluation, hindi nagawa iyon. Yung mapa na kung saan pwedeng magmina at hindi magmina, bagamat inilabas nila ay hindi nila masabi na final at unified map na ito, si hindi rin magamit ng mga local government sa pagdedesisyon.” Pahayag ni Garganera.

Bukod dito, ikinadismaya rin ng grupo, ang kawalang aksyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na panagutin ang mga mining companies na napatunayang lumabag sa environmental protection.

Sa huli, inihayag ni Garganera na mananatiling magmamatyag ang ATM sa magiging pamamalakad ng papasok na administrasyong Duterte, at nakahanda itong panagutin ang anu mang pagkilos na magdudulot ng pagkasira sa kalikasan at sa buhay ng mga tao.

Sa tala ng Mines and Geosciences Bureau, ang Pilipinas ay nagtataglay ng 21.5 billion metric tons ng metal deposit habang mayroon naman itong 19.3 billion metric tons na non metallic minerals.

Dahil dito umabot sa 1,828 mining applications ang natanggap ng Aquino Administration sa loob ng anim na taon nitong panunungkulan sa bansa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,084 total reads

 47,084 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,864 total reads

 126,864 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,311 total reads

 160,311 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,609 total reads

 195,609 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,335 total reads

 420,335 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,575 total reads

 37,575 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,464 total reads

 30,464 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top