PNP-Chaplain Service, pinalawak ang KASIMBAYANAN program ng PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,703 total reads

Puspusan ang pagsusulong ng Philippine National Police – Chaplain Service sa revitalized KASIMBAYANAN program ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Personal na pinangangasiwaan ni PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo ang higit na pagpapalawak at pagsusulong ng programa sa pamamagitan ng pagbisita sa iba’t ibang kampo ng PNP.

Bahagi ng naging pastoral visitation ni General Ortizo sa Police Regional Offices ng PNP sa Leyte at Southern Leyte ay ang personal na pakikipagdayalogo kay Diocese of Maasin Bishop Precioso Cantillas kaugnay sa revitalized KASIMBAYANAN Program sa lalawigan.

Tinalakay ang mahalagang papel na ginagampanan ng religious sector o mga kura paroko sa bawat parokya upang magsilbing gabay sa pagkakaroon ng mas matatag na ugnayan sa pagitan ng Simbahan, pamayanan at mga kapulisan sa pagsasabuhay ng Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.

“PBGEN JASON D ORTIZO, Director, CHS, conducted Dialogue on Kasimbayanan with Most Rev. Precioso D. Cantillas, Bishop of Maasin, to deepen the linkages of the PNP with the Community and to achieve the end-goal of the Chief PNP’s Peace and Security Framework MKK=K, through the intervention of our religious sector, the Priests and Parishes of Maasin, especially in the conduct of proactive Kasimbayanan Activities in their respective areas and barangays.” bahagi ng ulat ng PNP-Chaplain Service.

Bukod kay General Ortizo, kabilang din sa nakibahagi sa pakikipagdayalogo kay Bishop Cantillas sa Bishop’s Residence sa Maasin City noong ika-28 ng Oktubre, 2022 ay ang iba pang opisyal ng PNP sa rehiyon sa pangunguna ni PCol. Hector F. Enage na siyang acting Police Director ng Southern Leyte PPO.

Layunin ng pagpapaigting sa revitalized KASIMBAYANAN Program ng PNP na pinangangasiwaan ng PNP-Chaplain Service na higit pang paigtingin at pagtibayin ang ugnayan ng mga pulis, kumunidad at ng mga faith-based groups para sa maayos at mapayapang pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 54,131 total reads

 54,131 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 90,685 total reads

 90,685 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 125,984 total reads

 125,984 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 352,254 total reads

 352,254 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 242,610 total reads

 242,610 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top