No Meat Friday campaign, sinuportahan ng mga opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 986 total reads

Suportado ng mga opisyal ng simbahan ang panawagan ng Cambridge University sa Santo Papa Francisco na muling isulong ang No Meat Friday campaign na nakikitang solusyon upang mapigilan ang labis na global carbon emissions.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples chairman at Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, malaki ang maidudulot nitong pagbabago hindi lamang sa kapaligiran kundi higit sa kalusugan ng mga tao.

Ito’y sapagkat kapansin-pansin ngayon ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng malalang karamdaman sanhi ng labis na pagkonsumo ng mga tao sa karne ng hayop.

“We are consuming too much meat. Look at what is happening now to people regarding lifestyle sicknesses. We are destroying our organs: heart, liver, and kidneys due to too much meat consumption and wrong nutrition,” pahayag ni Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi rin ng Obispo na ang animal agriculture, bagamat nakakatulong na matugunan ang pagkain ng mga tao ay nakakasira na rin sa kalikasan dahil sa mga maling pamamaraan ng pamamahala.

“It leads farmers to use their productive agricultural lands to produce food for animals like corn instead of food for humans. Time to bring morality into our dietary practices,” ayon kay Bishop Dimoc.

Samantala, kinilala rin ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio ang hamon at layuning paigtingin ang No Meat Friday Campaign ng simbahan.

Ayon kay Bishop Florencio, vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, makabuluhan ang naging pagsusuri ng Cambridge University dahil nakita nito ang malaking ambag ng hindi pagkain ng karne sa layuning pangalagaan ang kalikasan.

Gayunman, nilinaw ni Bishop Florencio na hindi sapilitan ang pakikiisa sa No Meat Friday ng simbahan lalo na sa mga matatanda at mayroong sinusunod na paraan ng paggagamot.

“With the No Meat Friday campaign, okay naman ito but we just have it on an optional basis. Dahil iba’t iba ang kalagayan natin lalo na ang may mga sakit. So, for those who want and who can do it, please support the good intentions of the campaign,” pahayag ni Bishop Florencio.

Ang No Meat Friday ay tradisyong sinusunod ng mga katoliko tuwing panahon ng Kwaresma bilang bahagi ng pag-aayuno at pangingilin.

Pinaigting ito ng Radio Veritas noong 2011 upang isulong ang pangangalaga sa kalusugan ng tao, at kalikasan mula sa epekto ng climate change.

Read: https://www.veritasph.net/napapanahon-na-ang-pagsasabuhay-ng-no-meat-friday/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 16,683 total reads

 16,682 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 47,956 total reads

 47,955 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 126,918 total reads

 126,917 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 221,143 total reads

 221,143 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 281,102 total reads

 281,102 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 71,719 total reads

 71,719 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top