Napapanahon na ang pagsasabuhay ng “No Meat Friday”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 994 total reads

Pinuri ng isang opisyal ng Simbahang Katolika ang hamon ng Cambridge University kay Pope Francis na hilingin sa mga katolikong-kristiyano ang “no meat Friday” upang mabawasan ang global carbon emissions.

Ayon kay Fr. Anton CT. Pascual, pangulo ng Radio Veritas at executive director ng Caritas Manila na napapanahon ang panawagan ng pamantasan dahil sa patuloy na pagbabago ng klima ng daigdig na nagreresulta sa mga mapaminsalang sakuna.

““Napakaganda ng hamon ng pag-aaral ng Cambridge University na hamunin ang ating mga katoliko sa inspirasyon ni Pope Francis na isulong ang “No Meat Friday”, pahayag ni Fr.Pascual

Upang makatulong na sagipin ang mundo sa epekto ng climate change, pinangunahan ni Fr.Pascual ang paglulunsad ng “No Meat Friday” campaign noong taong 2016.

“Ito naman ay tradisyon nating mga katoliko. Kaya’t napakaganda nitong ating adbokasiya na ating ginagawa sa Radio Veritas na nawa’y palaganapin natin sa tulong at inspirasyon ng ating Santo Papa,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Tiwala si Fr.Pascual na sa pamamagitan ng panawagan sa Santo Papa ay suportahan at isulong ng mga kasapi ng Catholic Bishop Conference of the Philippines o C-B-C-P ang “No Meat on Friday” campaign ng Radio Veritas.

Iginiit ni Fr.Pascual na ang hindi pagkain ng karne ng hayop ay makakatulong ng malaki sa pangangalaga sa kalusugan ng tao at proteksyon sa kalikasan.

Ipinaliwanag ni Fr. Pascual na kabilang ang animal agriculture sa mga nangungunang dahilan ng greenhouse gases kaya’t patuloy ang pagtaas ng temperatura ng daigdig.

Binigyang-pansin din ng pari ang negatibong epekto ng maramihang pagkonsumo ng karne sapagkat kaakibat naman nito ang iba’t ibang karamdaman.

Muling nanawagan si Fr. Pascual sa mamamayan na isabuhay at ipalaganap ang kampanyang No Meat Friday dahil hindi lamang pangangalaga sa kalusugan ang hatid nito, kundi paggalang at pagpapahalaga na rin sa mga hayop na kabilang sa mga nilikha ng Diyos.
“What is good for the planet is good for the body. What is good for the body is good for the planet. Alagaan po natin ang biyayang binigay sa atin ng Panginoon, ang ating katawan at ang kalikasan para lalo tayong makapaglingkod,” saad ng pari.

Batay sa tala, 84-porsyento ng chronic diseases ang nagmumula sa pagkain ng karne, habang maaari namang mabawasan ng anim na bilyong tonelada ang nalilikhang greenhouse gases na nagmumula sa mga hayop.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 52,996 total reads

 52,996 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 89,702 total reads

 89,702 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 125,001 total reads

 125,001 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 351,271 total reads

 351,271 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 241,675 total reads

 241,675 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,174 total reads

 154,174 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top