PNP, pinayuhang resolbahin ang DUI sa halip na tutukan si Bikoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 492 total reads

Itinanggi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Bise-Presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagkakaugnay sa miyembro ng taga-oposisyon hinggil sa planong pagpapatalsik sa administrasyong Duterte.

Ito ang pahayag ng Obispo sa unang bahagi ng kaniyang Facebook post na may titulong In Pursuit of Truth: Death Under Investigation and Bikoy Under Investigation.

Lunes ng muling iharap sa press conference ng Philippine National Police si Peter Advincula alyas Bikoy na unang nagbunyag sa pagkakasangkot ng Presidential family sa iligal na operasyon ng droga na agad namang bumaligtad kalaunan.

Sa nasabing press conference, inihayag ni Advincula na nagkaroon ng pulong ang Obispo kasama si Senator Antonio Trillanes IV at isang alyas Jonel sa kaniyang bahay sa Caloocan City.

“Last Monday “Bikoy” appeared in another press conference sponsored by the PNP claiming that he had attended a meeting with me and Senator Trillanes and a certain Jonel at my residence Caloocan city. First of all, I wish to make it clear that I have never had the privilege of meeting with Senator Trillanes in person and I do not know the Jonel he was talking about,” ayon sa pahayag ni Bishop David.

Iginiit ng Obispo na walang naganap na pagkikita at pulong sa pagitan ng mambabatas at hindi niya rin nakilala ang nangangalang Jonel na binabanggit ni Advincula.

Nagtataka rin ang Obispo sa naging interes ng PNP na imbestigahan ang pag-uugnay ni Advincula sa oposisyon at maging sa ilang miyembro ng simbahan sa destabilization plot kontra administrasyong Duterte.

“Lately, the man has also implicated so many other names, including those of Church leaders and religious personalities who may have made no other mistake than believing that the man’s life was really in danger and that he needed sanctuary,”pahayag ng Obispo

Sinabi ng Obispo na binalewala at tinawag na sinungaling ng PNP si Advincula nang unang iniugnay nito sa ilegal na droga ang pamilya at malalapit na kaibigan ng Pangulo.

“Now that he has changed his story and is implicating practically all personalities in the opposition—insinuating that he had merely been used by them in a supposedly well-orchestrated plot to unseat the government—“his truth” (according to the PNP Director) needs to be investigated,” ayon pa sa Facebook post.

Imbestigahan ang kaso ng pagpaslang

Sa kabila nito, muling umapela si Bishop David sa PNP sa patuloy na karahasan laban sa mga hinihinalang may kaugnayan sa ilegal na droga.

Ayon sa Obispo, simula buwan ng Hunyo ay mayroon nang limang kaso ng pagpaslang ang naitala sa Caloocan.

Binigyan diin ng Obispo na ang mga biktima ay kabilang sa libu-libong pagpaslang na kinokonsidera bilang death under investigation na hanggang ngayon ay wala pa ring resulta sa mga may kagagawan ng pagpatay.

Umaasa ang Obispo na bigyang pansin din ng PNP patuloy na kaso ng mga pagpaslang sa halip na pag-aksayahan ng oras ang mga kasinungalingan ni Advincula.

“All these victims have been killed only in the past few days. Most of them are classified as DUI (Deaths Under Investigation). As far as I know, most of the thousands of killings called DUI remain “under investigation”, meaning, unresolved. As bishop of Kalookan, I sincerely wish the PNP could give more time and effort at investigating the truth behind these killings than giving credence to the lies now being peddled by a certain Peter Advincula, alias ‘Bikoy’.”panawagan ng Obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 26,113 total reads

 26,113 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 62,516 total reads

 62,516 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 288,786 total reads

 288,786 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 182,253 total reads

 182,253 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 274,904 total reads

 274,904 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 5,508 total reads

 5,508 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top