Tuklasin ang plano ng Panginoon, makiisa sa 8th National Catholic Charismatic Congress

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 469 total views

Inanyayahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na makiisa sa gaganaping 8th National Catholic Charismatic Congress.

Ito ay bilang bahagi ng ika-50 taong Anibersaryo ng Catholic Charismatic Renewal in the Philippines.

Tema sa gaganaping pagtitipon ang one body, one spirit, one Charis.

Ayon sa Kardinal, sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga Charismatic Renewal ay natutulungan ang mga mananampalataya na matuklasan ang tunay na plano ng Panginoon sa kanilang buhay.

“I enjoin all Charismatic groups throughout the country to be sure that you participate on the 8th National Catholic Charismatic Charismatic Congress from the 6th to the 8th of June 2019 discover of God’s plan for you in service of the Church with the theme One Body, One spirit, One Charis.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Hinimok din ni Bro. Marcelino Catan – Congress President, ang mga maliliit na Charismatic groups na huwag palagpasin ang pagdiriwang at pagsasama-sama ng grupo ngayong Golden Jubilee ng Catholic Charismatic Renewal.

Sinabi ni Catan na ang pagdiriwang ay 3-in-1 event dahil bukod sa NCCC at ika-50 anibersaryo ng PCCR ay kasabay din nito ang kapistahan ng pagbaba ng Espiritu Santo sa mga alagad o ang National Pentecost Celebration.

“Ang event na ito ay napaka halaga para sa mga charismatic sa buong Pilipinas, kumbaga sa kape ay 3-in-1 ito. Yung National Catholic Charismatic Congress, this is held 2 to 3 years, pero meron pang kasabay ito na event at yan ang 50th or golden Jubilee ng Catholic Charismatic Renewal in the Philippines, binuksan ito last Pentecost 2018 at ang closing ng buong taon ay ngayon ding Pentecost. Ang ikatlo ay ang National Pentecost Celebration, ngayon gagawin lahat yang tatlong araw.” pahayag ni Catan sa Radio Veritas

Gaganapin ang mga pagdiriwang mula ika-anim hanggang ikawalo ng Hunyo sa El Shaddai International House of Prayer sa Parañaque City.

Inaasahang aabot sa tatlong libong mga mananampalataya ang makikiisa sa pagtitipon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 227,539 total views

 227,539 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 257,762 total views

 257,762 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 284,406 total views

 284,406 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 379,379 total views

 379,379 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 385,723 total views

 385,723 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,139 total views

 347,139 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top