Pagpapatalsik kay Pangulong Duterte, hindi bahagi ng misyon ni Archbishop Villegas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 502 total reads

Pinabulaanan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang pagdawit sa kanya ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy sa planong pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa opisyal na pahayag, binigyang diin ng Arsobispo na bilang isang Pari at tunay na alagad ng Diyos ay hindi kailanman siya makikibahagi sa ilegal at marahas na pamamaraan upang maisulong ang pagbabago sa lipunan.

Ipinaliwanag ng dating Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na bahagi ng kanyang misyon bilang isang Pari at Filipino ay magabayan ang moral na kalagayan ng mamamayan base sa mabuting salita ng Diyos.

Iginiit ng Arsobispo na ang mga alegasyon ni Bikoy ay tahasang makapagpapahina sa pundasyon ng demokrasya ng bansa.

Sinabi ng Arsobispo na ang paratang ni Bikoy ay hindi naaayon sa kanyang paninindigan na maibahagi ang mga turo ng Simbahan.

“I am a priest. My mission is to continue the love of Jesus Christ and to teach His Truth always. I believe in the power of electing officials; that is why I have tried my very best, as a priest and as a Filipino, to morally guide the people entrusted to my pastoral care. I cannot and will never lend a hand to use illegal or violent means for social change. Such will weaken our democratic foundations. This is contrary to my Christian conscience.” pahayag ni Archbishop Villegas.

Nilinaw rin ni Archbishop Villegas na walang katotohanan ang mga alegasyon ni Bikoy na kanyang pakikipagpulong para sa planong pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon noong gabi ng December 12, 2018 sapagkat sa nasabing oras at petsa ay nagmimisa siya sa isang parokya sa Orani, Bataan.

Dahil dito, binigyang diin ng Arsobispo na walang katotohanan ang mga pahayag ni Bikoy sapagkat imposible na mapuntahan niya ang dalawang magkaibang lugar sa parehong pagkakataon.

“On the day and time, December 12, 2018 in the evening, that I allegedly met with some plotters to overthrow the government, I was in the parish church of Orani in Bataan to deliver the homily at the first Mass of a friend newly ordained priest. As a mortal being like the rest of us, I have no capacity to be in two places at the same time.” Paliwanag pa ni Archbishop.

Si Archbishop Villegas ay isa lamang sa dalawang Obispo ng Simbahang Katolika na idinawit ni Bikoy sa sinasabing Oplan Sodoma na planong pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Duterte upang mailuklok sa pwesto si Vice President Leni Robredo.

Kaugnay nito, naunang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na posibleng pagpapatawag kina Archbishop Villegas, Caloocan Bishop Pablo Virgilio David at dating Education Secretary Armin Luistro na pawang pinangalanan at isinangkot sa usapin ni alyas Bikoy.

Nauna na ring itinanggi ni CBCP Vice President Kaloocan Bishop Pablo Virgilio David ang pagkakaugnay sa miyembro ng mga taga-oposisyon na nasa likod ng mga planong pagpapatalsik sa kasalukuyang administrasyon.

Read: PNP, pinayuhang resolbahin ang DUI sa halip na tutukan si Bikoy

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 120,078 total reads

 120,078 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 257,482 total reads

 257,482 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 373,258 total reads

 373,258 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 488,922 total reads

 488,922 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top