Simbahang Katolika, umaasang magdudulot ng pagkakapatiran ang pagtatapos ng Ramadan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 487 total reads

Umaasa ang Simbahang Katolika na ang isang buwang paggunita ng Ramadan ay maging daan ng kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim at iba pang denominasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo.

Ayon kay Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations tulad ng panalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ay magbunga nawa ang pagtatapos ng Banal na Buwan ng Ramadan ng pangkabuuang pagkakapatiran.

Ipinaabot rin ng Arsobispo ang pagbati at pakikiisa sa pagtatapos ng Ramadan at ibinahagi ang panalangin para sa pag-usad ng kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao lalo na sa mga pagbabagong hatid ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“We hope that season of prayer will also bring about what Pope Francis and his counterpart in Abu Dhabi will say ‘we pray for fraternal humanity among all peoples that we are all brothers and sisters under the creator All Mighty God’ so this is our prayer and aspiration as we moved on in Mindanao, we work together for peace and development for everyone, again my greeting to our Muslim brothers and sisters…” pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radyo Veritas.

Sinabi ng Arsobispo na nakikiisa maging ang mga Katoliko sa layunin ng Banal na Buwan ng Ramadan na panahon ng pagsisisi, pagninilay at panahon ng pananalangin ng mga Muslim.

“We greet our Muslims brothers and sisters sa pagtatapos nila ng Ramadan season, it has been a month of prayer and also we pray that we arrive at the genuine development and reconciliation of peoples of Mindanao especially now with the start of the Bangsamoro Autonomous Region in Mindanao…”dagdag pa ni Archbishop Ledesma.

Naunang nagpahayag ang Kanyang Kabanalan Francisco na nawa ay magbunga ng pangkabuuang pagkakapatiran ang paggunita ng Banal na Buwan ng Ramadan o Islamic Holy Month ng mga Muslim.

Batay sa tala, umaabot sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ang mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,168 total reads

 126,168 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,206 total reads

 263,206 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,981 total reads

 378,981 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,234 total reads

 494,234 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top