Polusyon sa bagong taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 60,053 total reads

Mga Kapanalig, hudyat ang bawat bagong taon ng pagsisimula ng sana ay mas mabuting pagbabago para sa ating sarili. Pero hindi ito ang kaso para sa ating kapaligiran.

Nitong unang araw ng 2025, pagkatapos ng mga pagdiriwang, inilarawan ng IQAir bilang “unhealthy” ang kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ang IQAir ay isang air quality research group na sinusukat ang polusyon sa hangin sa mga malalaking siyudad sa buong mundo. Ayon sa kanilang datos, ang Kamaynilaan ay nagtala ng air quality index na 166. Pasok ito sa “unhealthy” range na 151 hanggang 200. Pumalo sa 76.5 micrograms per cubic meter ang concentration ng particulate matter 2.5 (o PM2.5) sa rehiyon. Labinlimang beses itong mas mataas sa taunang PM2.5 guideline value ng World Health Organization.

Ang PM2.5 ay isang uri ng particulate matter na tila mga pulbo sa hangin na may sukat na 2.5 microns o mas maliit pa. Dagdag pa ng IQAir, pinakadelikado sa ating katawan ang mga ganitong uri ng pollutant dahil madali itong pumasok sa bloodstream o mga ugat. Ang labis-labis na PM2.5 sa ating katawan ay maaaring magdulot ng sakit sa baga at puso.

Ang matinding polusyon sa hangin nitong bagong taon ay dahil sa maramihang paggamit ng mga paputok o firecrackers at mga pailaw o fireworks. Bukod sa maruming hangin, disgrasya rin ang dala ng mga ito. Bagamat patuloy na bumababa ang mga kaso ng mga naaksidente sa paputok sa Kamaynilaan sa mga nagdaang taon, nasa 800 pa rin ang mga biktima ng paputok ngayong pagpasok ng 2025.
Nais nating maging matiwasay, ligtas, at masaya ang ating pagsalubong sa bagong taon. Ngunit hindi natin maipagkakailang tayo rin ay napapahamak sa mga nakasanayan nating pag-iingay gaya ng paggamit ng mga paputok at pailaw. Hindi lang sakit ang idinudulot ng maruming hangin na ating nalalanghap. Disgrasya din—at kung minsan ay kamatayan pa—ang nangyayari sa mga nagpapaputok. Hindi lang tayong mga tao ang napapahamak; damay din ang ating kalikasan.

Pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudato Si’ na ang polusyon sa hangin ay hindi lang nagdudulot ng mga sakit na nauuwi sa maagang kamatayan ng maraming lantad dito. Ang polusyon sa hangin ay nakaaapekto rin sa climate change. Ang nakalutang na polusyon ay binubuo ng greenhouse gases na sa sobrang kapal ay mistulang kumot na nagta-trap sa init mula sa araw. Tinatawag itong global warming. Sa paglipas ng panahon, iniiba ng na-trap na init na ito ang klima. At ramdam na ramdam natin ang epekto ng climate change noong nakaraang taon—mula sa matinding El Niño hanggang sa malalakas na bagyong dumaan sa ating bansa.

Mabawasan na sana o iwasan na natin ang maramihang paggamit ng mga paputok at pailaw tuwing bagong taon. Malinaw ang mga negatibong epekto ng mga ito sa kalusugan, kaligtasan, at kapaligiran. Panganib ang dala ng mga paputok, legal man o hindi. Kung gusto talaga natin ng buháy na buháy na pagsalubong sa bagong taon, may mga mas ligtas namang paraan katulad ng paggamit ng torotot o kaya ay pagpapatugtog.

Mga Kapanalig, sa pagpasok ng 2025, alalahanin natin ang ating responsabilidad sa pagkamit ng tinatawag nating common good o kabutihang panlahat, isang mahalagang prinsipyo sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan. Ayon nga kay San Pablo sa Roma 14:7 at ng isang sikat na awitin, “Walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang.” Ang mga ginagawa natin ay may epekto hindi lang sa ating kapwa kundi pati sa iba pang nilikha at sa kalikasan. Sa huli, tayo rin ang babalikan ng kapahamakang ginawa natin sa iba.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 11,836 total reads

 11,836 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 47,589 total reads

 47,589 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 103,995 total reads

 103,995 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 227,115 total reads

 227,115 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

GUILTY?

 11,837 total reads

 11,837 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 47,590 total reads

 47,590 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 103,996 total reads

 103,996 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top